"Steve, hindi pwede ito. It can be!" Galit kong singhal kay Steve habang nakapameyang ako sa harapan nya. Hinawakan naman ako sa balikat ni Anna na para bang pinapakalma ako kahit wala namang epekto iyon sa akin.
Steve: "Dianne, Fully book na ang hotel. Wala na kaming makuha na rooms with two beds. Saka ayaw mo pa ba nito? Overlooking ang dagat at pinakamalaki sa lahat ng suites?" Lumapit naman si Dylan sa kanyang kaibigan at inakbayan pa ito.
Dylan: "Mahal ko, pick season ngayon. Huwag mo nang pasakitin ang ulo ng ikakasal" Ngumiti naman sa kanya si Steve.
Ako: "Konti na lang, maniniwala na akong magkasabwat kayo" Tumalikod na ako sa kanila at hinarap ang dagat. Tama si Steve, maganda nga ang view.
Anna: "Dianne, pagbigyan mo na kami. Dalawang araw lang naman suswertehin si Dylan. Pagbigyan mo na"
Sumimangot na lang ako. Hindi ako makakatawag kaagad ng pulis kung sakaling pagsamantalahan man ako ni Dylan dahil nasa gitna kami ng kawalan. Bukas ay kasal na nila Steve at ito sila ngayon at sumasakit ang ulo nang dahil sa akin. Paano ba naman nangyari na ang laki laki ng hotel eh wala nang available na room na mayroong dalawang kama. Kailangan ko pa tuloy makatabi ang napakabait ko ex.
Ako: "Whatever. Magtitiis na lang ako. Pasensya na sa abala" Hinarap ko sila at ngumiti naman ang ikakasal. Ngunit isang ngisi ang ipinakita ni Dylan.
Steve: "Then we're settled. Makakabalik na kami ni Anna sa suite namin" Nakangiti nyang paalam sa amin.
Lumapit na si Anna sa kanya at inakbayan na ito ni Steve.
"Bro, mamaya ah! huwag kang mawawala" Lumapit naman sa akin si Dylan pero hindi sya umakbay. Subukan nya lang at mababali ang braso nya.
Dylan: "Sure, magpapaalam muna ako kay Boss" Magpapaalam pa sya sa tito nya para lang sumama sa stag party?
Stave: "Papayag yang si Dianne. Sige Bro, una na kami" Nalaglag ang aking panga. Kailan pa ako naging Boss. Lumayo naman si Dylan at hinatid palabas ang ikakasal. Humarap na lang ulit ako sa magandang view at nagsimula nang mag-ipon ng pasensya.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...