Chapter 42- Ralph

1K 17 0
                                    

Maaga akong ginising ni Dylan para maka-punta na kami kaagad sa Puerto Princesa Underground river. Tulad ng ginawa namin ni Dylan kahapon para marating ang Dianne's, sumakay kami ng bangka para marating ang isla ng kanyang lolo. Nais ko sanang makita ang lolo nya pero nasa Maynila pa daw ito at sa kasal pa ang dating.

Bumungad sa amin ang puting Ford explorer nila Dylan. Kinuha nya ang key remote mula sa isang staff at hinawakan ang kamay ko papalapit sa malaking sasakyan.

Ako: "Dylan, pwede bang ako ang magdrive?" Napahinto ako sa paglalakad dahil tumigil sya at kumunot ang noo sa akin.

Dylan: "Mahal ko, hindi mo naman alam ang pasikot sikot dito"

Ako: "Ituro mo na lang yung daan"

Dylan: "Ayoko, baka madiskrasya ka pa. Saka wala ka pang lisensya"

Ako: "Hindi yan, nagpractice naman tayo diba. Saka walang kahit maliit na gasgas si Mazda. Kukuha na lang ako ng lisensya pagbalik natin. Sige na" Ginamitan ko na sya ng kahabag habag na pagmumukha. Kumapit pa ako sa braso nya habang nagmamakaawa. Napahilot naman sya sa kanyang sindido na para bang namumublema.

Bumuntong hininga muna sya bago magsalita

Dylan: "Okay, basta hanggang 30mph lang. Kapag sumobra, hindi ka na makakahawak ng manibela kahit kalian"

Ngumiti ako ng malaki sa kanya saka ko sya mabilis na hinalikan sa pisngi. Dahil doon ay naagaw ko sa kanya ang key remote at pinatunog ko na ang sasakyan. Hindi ako sanay sa malaking sasakyang tulad nito. Si Mazda pa lang kasi ang nagagamit ko.

Binuksan ko kaagad ang pinto at agad na naupo sa driver seat. Sumunod naman si Dylan na naupo sa tabi ko. Maligayang maligaya ang kalooban ko ng paandarin ko ang sasakyan noong pindotin ko ang start button.

Lumingon ako sa kanya na nakasibangot na naman sa akin

Ako: "Saan ba daan? ituro mo na?" Bumuga muna sya ng hangin saka dali daling lumapit sa akin at halikan ako sa labi. Nanglaki ang mata ko sa ginawa nya. Matapos ang ilang segundo ay kumalas sya at naramdaman ko na lang ang seat belt na nakagabit sa akin. Kaya naman pala

Dylan: "Always use your seatbelt" Hindi na ako nakapagsalita dahil sa ginawa nya. Tumawa na lang sya sa akin

"Kaya mo pa bang magdrive?" Tanong nya sa akin. Sinuklian ko naman sya ng masasamang tingin at saka ko pinaharurot ang sasakyan. Nagpanic naman sya sa ginawa ko

"Hey hey! nasa 50 ka na!!!" Kumapit pa sya sa seat belt nya. Kung ayaw mong sabihin, bahala ka. Binuksan ko ang GPS ng sasakyan at naging madali ang buhay ko. Ngumisi na lang ako kay Dylan at sumibangot na lang sya.

Buong byahe ay nagsaya na lang ako kahit medyo nahihirapan ako sa sasakyan. Mabigat kasi eto hindi tulad ng Mazda 3. Pagkatapos yata nito ay mas malaki na ang braso ko kay Dylan. Dumadagundong din ang speaker ng sasakyan dahil sa pagpapatugtog ko na parang ako ang may ari ng sasakyan. Hindi rin ako natiis ni Dylan at sumakay narin sya sa pagkawala ng katinuan ko.

Pagkadating namin doon ay sya na ang nagmando ng kung ano ano. Bumama kami at namangha na ako sa nakita ko. Nakakatuwa. Sa kabila ng napakadaming problema ng bansang Pilipinas ay hindi mo parin maikakaila na maganda ang bayang sinilangan natin.

Pagkatapos namin doon ay sya na ang pinag-drive ko. Masakit na kasi ang braso ko. Habang nasa byahe ay binuksan nya ang sunroof at sa sobrang tuwa ko ay tumayo ako sa upuan at nagsisigaw sa tuwa habang nasa labas ang ulo. Mabuti na lang at wala nang masyadong kabahayang nadadaanan at malaya na akong magwala.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon