"Mrs. Cortez, nakikiramay po ako" Malungkot kong sinabi sa ina ni Dylan. Namumugto ang kanyang mata ngunit nagawa nyang ngumiti sa akin. Lumapit pa ako sa kanya upang mayakap sya.
Sabay kaming lumuha sa gabing iyon. Maraming tao ang nagtungo sa tahanan ng mga Cortez. Kamag-anak, ka-trabaho, mga kaibigan at iba pang minsan nang naging malapit kay Tito.
Naupo kami sa isang sofa na malayo sa mga taong nakikiramay. Pareho kasi naming gusto na maupo na lang sa isang sulok at tahimik na magluksa. Nanatiling nakahawak ang kamay nya sa akin habang parehong nakapako ang mata naman sa labi ng kanyang asawa.
Ilang minuto ang lumipas at ni- isa sa amin ay walang nagsasalita. Hinihintay ko lang na sya mismo ang maunang magbahagi. Siguro'y hinihintay nya rin akong magsalita sa kung anong nangyari sa amin ni Dylan, pero hindi ko dapat isipin iyon dahil mas mahalagang harapin kung ano mang meron ngayon.
"I'll miss him" Iyon ang unang salitang binitawan nya matapos ang kalahating oras ng katahimihan. Mga katagang napakasakit marinig lalo na't alam mong hindi na babalik ang taong iyon. Ipinatong ko ang isa ko pang kamay sa kamay nya.
"After his first attack, naging mahirap na para sa kanya ang maka-recover. It take years before he can recover from it" Maluha luha nyang kwento.
"Naging masaya kami. Mas naging sweet at malambing sya. He always want to travel with my family, pero madalas kami lang dalawa. In every ups and downs of my life, nandoon sya. Kahit alam naming pareho na hindi na sya ganoon kalakas tulad dati" Masaya nyang inaalala ang mga pagkakataon na nakasama nya ang asawa nya. Ramdam ko kung gaano kasakit iyon, hindi man nawala sa mundo ang taong mahal ko, masakit kasi nandyan lang sya pero hindi na kayo pupwede.
Di naglaon ay nawala ang ngiti nya, napalitan iyon ng mga tahimik na hagulgol
"Pero kahapon ng umaga... hindi na sya gumising" Lalong naging malakas ang kanyang pag-iyak. Yinakap ko na sya dahil hindi ko naman alam kung paano pagagaanin ang loob nya.
"Nakakalungkot lang kasi.. kasi sa tuwing gigising ako, nakahanda na ang almusal. Kasi, akala ko makakasama ko pa sya ng mas matagal. Pero hindi, iniwan na lang nya ako. Hindi man lang sya nagpaalam." May tumulo na namang luha sa mata. Naaalala ko kasi ang pinagdaanan ni mama ng mawala si papa. Wala pa akong muwang noon. Hindi ko man lang sya nayakap ng ganito kahigpit para malaman nyang hindi sya nag-iisa.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...