Isang normal na araw na naman sa akin. Pero pakiramdam ko hindi magiging normal ang lahat dahil abnormal parin ang sistema ng aking utak. Tulad ng dati, iniisip ang mga bagay na hindi naman dapat problemahim.
Hindi ko alam kung sadyang nawawala na lang sila basta basta. Tipong lahat ng lalaking kakausapin, kinakausap at nakausap ay nawawala na lang ng parang bula. Kung matagpuan ko man muli sila, iiwas naman sila na para bang may sakit akong nakakahawa. What's happening on this earth!!
Yan ang problema ko, Anong nangyayariiiii!!! tulad na lang noong lunes;
Ako: "Donald! partner kita mamaya sa P.e ah! para mataas grade ko. hehe"
Donald:"Sige ma'am! partner tayo ah!"
Ako:"Sige! Mamat!"
At ayun, may performance test kasi kami mamaya sa table tennins at dahil magaling sya, sya ang kinuha ko bilang partner. pero sa kabila noon, bumagsak parin ako dahil nagpulot lang ako ng bola-_- at kung bakit?
Lumapit sa akin si Anna, isang kaibigan ko na walang kaalam alam sa mundo. Himala na nga lang ngayon at nagsalita to. Yung tipong humahagalpak na lahat sa kakatawa, sya? nakangiti lang. Yung tapos biglang kumidlat habang may klase, tumili na lahat ng pwedeng tumili, tumili na. Sya? ayun! parang walang naririnig sa mundo. Ano ba tong babaeng to, pero kahit ganoon sya, isa syang mabait na kaibigan. Dahil wala syang ginagawang masama dahil wala syang imik.
Anna:"Dianne! DIanne" tinawag nya ko ng pabulong pero para sa kanya, sigaw na yun.
Ako:"Annaaaa!! Bakit?"
Anna: "Pinapasabi ni Donald di na raw sya ang magiging partner mo, ayaw na raw nya"
Ako: "Ano?????!!! Nasan yung loko na yun" at ayun hinagilap ko si Donald at sinugod. Kahit anong gawin ni Anna na pagpigil sa akin, ayun, para lang sya multo. Ahhaha
Hindi naglaon ay nahagilap ko na din si Donald, pero hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay tumakbo na sya palayo noong nakita nya ko.
Nawala:1
Ako:"Anong nangyari dun?"Tanong ko kay Anna
Anna:"Ewan"
Tulad ng dati, ganoon pa rin sya-_-
Hay, Tinawag na ng instructor ang pangalan ko
Inst.: "Santiago, Dianne, ikaw na! sino kapartner mo?" at dahil no choice na ako
Ako:"Maam si Anna na lang po"
Inst.:"Sige, simulan nyo na"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...