"Dylan"
Lumungon sya sa akin ngunit tila tagos ito sa akin. Pinilit nyang tumayo ngunit hindi nya magawa mula sa pagkakaupo sa sahig. Magulo ang kwarto, mabaho at madilim nang datnan ko ito. Halos lumabas ang puso ko sa kaba ng makita ko sya sa ganoong kalagayan. Tila nakita mismo ng mga mata ko ang dating Dylan na sobrang nasaktan ng dahil sa pag-ibig.
Dali dali akong lumapit sa kanya. Tutulungan ko sana syang tumayo ngunit tinabig nya lang ang kamay ko. Napansin kong nagdudugo ang kamay nya, ang malalapa ay malapit na itong matuyo ngunit hindi parin nagagamot
"Sino ka? paano ka nakapasok sa bahay ko?" wala sa wisho nyang tanong. Matindi na tama nito.
Ako: "Si Dianne to, bakit ka ba naglalasing? saan galing tong su-"
Dylan: "Miss, hindi ikaw ang mahal ko. Don't use her okay"
Ako: "Lasing ka na nga! hindi mo na ako kilala"
Ako: "Hindi nga kita kilala miss, you better get out of here now. Baka maalala pa ako ng mahal ko, mahuli pa akong may kasamang ibang babae sa kwarto ko"
Bumuntong hininga akong umupo sa tabi nya. Ganito pala to kapag lasing. Nang buksan ko ang ilaw ay nakita ko syang nakasalampak sa sahig habang nakasandal ang ulo sa kama. Tulala sya at may hawak na baso. Nakapaligid naman sa kanya ang iba't ibang produkto ng wine. Siguro ay tinungga nya lahat ng ito simula kagabi. Kaya pagpasok ko pa lang, alam ko na kung ano yung umaalingasaw na amoy sa kwarto nya. Kahit kailan talaga ay hindi ko naibigan ang amoy ng wine o ano pa mang alcohol lalo na ang amoy ng isang lasing na tao.
Ako: "Nasaan ba ang mahal mo?"
Ngumisi sya ngunit halata sa mata nya ang lungkot
Dylan: "Baka kasama ulit si birthday boy"
Ako: "Eh bakit ka nagmumukmok dito sa kwarto mo? bakit hindi mo sya puntahan?"
Kumuha ulit sya ng isang nangangalahating bote ng wine at sinalin ito sa baso nya. Iinumin na nya sana to pero pinigilan ko sya
Dylan: "Ano ba miss?"
Ako: "Dylan tamana, marami ka nang nainom"
Dylan: "Paki-elam mo ba ha! magulang ba kita? girlfriend ba kita?"
Ako: "Kahit sino man ako sa iyo ngayon, itigil mo na ang pag-inom"
Tumayo ako at pumasok sa cr nya para kunin ang first aid kit sa cabinet. Lumapit ulit ako sa kanya at pilit na hinatak ang kamay nya. Malalim ang sugat ngunit parang manhid na sya at hindi na nya ito nararamdaman pa
Dylan: "Ano ba miss! bitawan mo nga ako! si Dianne lang ang makakahawak ng kamay ko!"
Binawi nya ang kamay nya pero hindi ko ito binitawan. Sinimulan ko nang linisin ang sugat nya. Tsk. ano ba naman kasi ginawa nito?
Kinuha ng isang kamay nya ang baso nyang may laman na wine pero inagaw ko ito sa kanya at tinungga ito. Medyo mapakla nung una pero sanay na ako
Dylan: "Alam mo miss, hindi ka lang paki-elamera, mang-aagaw ka pa ng wine. Para kang si birthday boy. Kababae mong tao, umiinom ka"
Ako: "Don't worry, sanay ako. Yan ang pangpatulog ko"
Dylan: "Bakit? hindi ka ba makatulog sa gabi?"
Ako: "Kapag sanay kang magpuyat, mahirap na sayo ang matulog ng matino. Kasama yun sa course ko eh"
Dylan: "Bakit ano ba course mo? alcohol drinking major in shots?"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomansaMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...