Chapter 19- "Good night Mahal ko, salamat"

1.6K 28 3
                                    

Nawala sya sa paningin ko at napa-iling na lang ako. Umalis na ako sa Apo tree at pumunta sa susunod kong klase. Pagsapit ng hapon ay kating kati nang umuwi ang mga kaklase ko habang ako naman ay hindi mapakali sa pag-iisip ng gagawin ko kay Dylan. Isang lalaking sinalo lahat ng selos, pati ang pagiging matampuhin, iyakin at pagiging gwapo. Okay, mali yung huli kong sinabi. Nang matapos ng dumaldal ang aming professor ay nagsitayuan na ang lahat at lumabas na kaagad. Kasabay ng agos si ate Jessy na tila nagmamadali. May date siguro sila ni Johnny Bravo. Kukunin ko na sana ang gamit ko ngunit nabingi ako sa lakas ng tili ng mga kaklase ko na tila nakakita ng artist. Siguro may dumaan na namang gwapo sa room namin. Naglakad ako palabas at hinawi lahat ng babae kong kaklase na nakatengga sa pintuan. Ngayon alam ko na kung bakit ganito na lang ang reaksyon ng mga kaklase ko.

Isang pamilyar na lalaki ang sumalubong sa aking paningin. Nakasandal sya sa railings habang nakahalukipkip ang kamay. Hindi ko nakita ang ngiti nya na syang sumasalubong sa akin tuwing makikita ko sya. Isang supladong Dylan ang nakita ko.

Nang mahuli ng mata nya ang aking paningin ay umalis sya sa kaninang pwesto nya at lumapit sa akin. Tila isang slowmo na naman ang nangyari. May problema na yata sa panahon at bigla na lang bumabagal ang lahat. Bawat hakbang nya ay mas lalong nag papalakas ng tibok ng puso ko. Unti unting umatras ang mga taong nakaharang sa daan nya. Tila natakot sa madilim nyang aura.

Nalaglag ang panga ng mga taong nakasaksi ng mga pangyayari. Huminto sya sa harap ko at hinawakan ang kaliwa kong kamay. Nagtagpo naman ang mga mata namin bago nya ako hilahin palayo sa mga kaklase kong wala parin sa katinuan.

Hinayaan ko na lang sya na hilahin ako patunggong parking. Alam ko at ramdam ko ang mga tingin ng mga taong nakakakita sa amin. Hindi ko alam, hindi naman siguro artista si Dylan para maisyu ng ganito.

Hindi sya kumikibo at patuloy lang sa paglakad. Nang marating namin ang kanyang sasakyan. Binitawan na nya ang aking kamay at pinagbuksan naman ako ng pinto. Nang nakapasok na ako ay isinara na nya ang pinto at umikot naman upang sya naman ang sumakay.

Tahimik na nabuhay ang makina ng sasakyan tulad ng pagiging tahimik ni Dylan. Nang makalabas na kami ng paaralan ay hindi parin ito kumikibo. Hindi ako sanay ng ganito. Sanay ako sa Dylan na maingay, mambobola, at malandi tulad ng sinabi ng isa kong kaklase. Landy daw dapat ang pangalan nito dahil sa sobrang pagiging sweet nito. Nakakamiss din pala.

Napayuko ako dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin. Sa 17 years kong nag-eexplore sa mundo, ni minsan hindi ako gumawa ng paraan upang mapagaan ang nararamdaman ng isang lalaki. Hindi ko napansin na naging mabilis ang byahe ngunit kung kailan 25 na bahay na lang ang layo ay biglang may pumutok na nagpagising sa katinuan ko. Iginilid nya ang sasakyan at huminto ito. Napalo ng malakas ni Dylan ang manubela saka lumabas ng padabog ito. Lumabas din ako upang makita ang dahilan ng pagdadabog ni Dylan. Pumutok ang kaliwang gulong ng sasakyan. Napasabunot ng buhok si Dylan saka inilabas ang inis sa pamamagitan ng pagsipa sa gulong na sumabog.

Dylan: "SH*T! bakit ngayon pa! SH*T!"

Ako: "DYLAN!" Saway ko sa kanya. Napatingin sya sa akin at alam kong kumalma sya ng konti.

Dylan: "Shakeys!"

Napailing na lang ito at napaupo sa hood ng sasakyan. Lumapit ako sa Driver seat at kinuha ang susi saka ito inilock. Nagtaka sya sa ginawa ko. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay nya saka ito hinatak palakad.

Dylan: "Hey, how about my car"

Ako: "Kung ipapagawa pa natin yan baka bukas pa tayo makauwi. Bukas mo na lang balikan, marami ka namang reserba."

Hindi na sya kumibo at ganoon parin ang sya katahimik. Binitawan ko na ang kamay nya pero hindi parin sya kumalas. Ilang minuto lang ay narating na namin ang bahay. Wala pa si mama, marahil ay nasa trabaho parin ito.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon