"WHEN THE WORLD'S ON FIRE WE WON'T EVEN MOVE
THERE IS NO REASON IF I'M HERE WITH YOU
AND WHEN IT'S SAID AND DONE I'LL GIVE ME TO YOU
THAT'S SOME TYPE OF LOVE
THAT SOME TYPE OF LOVE"
Umaalingangaw na tinig ni Dylan ang dahilan kung bakit hindi ko magawang matulog sa buong byahe. Paulit ulit nyang pinapatugtog ang kantang nanghikayat sa akin para magsayaw kagabi sa kabila ng matigas kong katawan. Puyat at pagod ang aking nararamdaman dahil sa mga nangyari kagabi. Puyat dahil hindi ako tinantanan ni Dylan sa pagrereklamo dahil mabagal daw ang koneksyon ng internet sa tinuluyan namin at hindi nya madownload ang kantang nagpasaya sa kanya. Pagod dahil hindi sanay ang katawan ko sa mga physical activities na ginawa namin sa resort. Sanay kasi ako na palaging nakadukdok sa plate at walang exercise.
Pauwi na kami ngayon sa Bulacan, dala nya ngayon ang kanyang BMW at mabagal na binabagtas ang daan. Halos makabisado ko na ang kanta ngunit ayaw nyang tantanan ito. Pagkatapos ng masayang gabi ay napagdesisyonan na namin na bumalik na sa hotel at magpahinga. Kinaumagahan ay nag-almusal at naglibot na lang kami sa resort saka naghanda para umuwi. Ayaw pa ngang umuwi ni Dylan at doon na lang daw kami manirahan habang buhay. At nakatanggap sya ng malakas na hampas mula sa akin.
Ako: "Dylan, hindi ka ba nagsasawa sa kantang iyan? nakakarindi na"
Dylan: "Mahal ko, this song reminds me on how you dance last night and how you smile on me last night. Dapat nga hindi na tayo umalis doon, I want to dance again with you. I really really really love it!"
Napaubo naman ako ng hindi oras sa sinabi nya
Ako: "Ako? magaling sumayaw? bulag ka na ba Dylan? hahahaha!"
Dylan: "Bulag sa pagmamahal sayo! bwahahaha"
Ako: "Gusto mong mahampas ulit?"
Dylan: "Eto naman, joke lang walang halong biro."
Ako: "Chee! kapag nagstay pa tayo doon, lagot ka na sa nanay ko"
Dylan: "Okay lang, kung magagalit din naman sya, eh lulubos lubusin ko na. Ibabalik kita kapag may apo na tayo! bwahahaha"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nahampas ko na naman sya. Dali dali nyang iginilid ang sasakyan at huminto. Saka nya ininda ang sakit ng hampas ko
Dylan: "Aray ko shakeys! ang sakit mahal ko!" tanging nasabi nya habang namimilipit sa sakit
Ako: "Oh ano, kaya mo pa bang harapin nanay ko. Mas malupit manghampas yun" hamon ko sa kanya
Umayos sya ng upo habang hinihimas ang braso nyang nahampas ko.
Dylan: "Whatever it takes mahal ko, I will"
Natulala na lang ako sa mga pinagsasasabi nya. Wala na ang mapait nyang mukha dahil sa sakit. Napalitan iyon ng isang seryoso na ekspresyon. Nagising ako sa katotohanan ng mabilis nyang hinalikan ang ilong ko. Abot langit na naman ang ngiti sya at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Sumandal na lang ako at patagong napangiti sa simpleng bagay na ginawa nya.
Ilang oras pa ay nakarating din kami. Nakakapagod ang byahe. Bumaba sya at sinabayan akong maglakad patungo sa aming bahay. Buhat nya ang gamit ko na nagmula kay Zach at siguro sa mga oras na ito ay nasa London na. Sinalubong kami ni mama at nagmano naman kaming pareho. Isang kakaibing ngisi ang ibinungad nya kay Dylan. May naaamoy akong hindi tama.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
Storie d'amoreMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...