Chapter 65- Letting go

1.1K 19 1
                                    


"Psst, kayo na ba nung Darius?" Isang mapaglarong tanong sa akin ng dating kaibigan. Napatingin naman ako kay Darius na nakatayo sa harap ng counter.

Ako: "Hindi"

Jessy: "Akala ko naman. Alam mo, bagay kayo. Pero mas bagay kayo ni-"

Ako: "Ate Jessy, shut up" Iritang singhal ko sa kanya. Pinagtawanan nya lang ako at di naglaon ay bumalik na sa pwesto si Darius dala ang mga pagkaing inorder nya.

Matapos ang kaganapang iyon ay humingi ng tawad si Darius kinabukasan. Samantalang ako ay tango lang ang aking naisagot. Simula noon ay mas naging seryoso sya sa panunuyo sa akin. Ngunit mas maingat na sya sa bawat kilos na gagawin nya. Hanggat maaari din ay iniwasan narin nyang pag-usapan ang aking nakaraan ng sa gayon ay matulungan nya ako. Pero hindi parin pala ako tatakasan ng nakaraan dahil nagkita kami ni ate Jessy sa isang fastfood chain.

Natapos ang dalawang buwan ng pag-banned ko kay Darius para sa kanyang mga date kaya hinayaan ko na syang gawin ang gusto nya.

Nakahain na ang pagkain sa harap ni Ate Jessy pero hindi maalis ang tingin nya kay Darius. Tila ba kinikilatis ito.

Ate Jessy: "Darius right?" Paniniguradong tanong ni Ate kay Darius na nag-aayos ng kanyang pagkain. Magkatabi kaming pareho habang nasa harap namin ang imbestigador.Ngumiti naman si Darius sa kanya bilang sagot.

"Gaano mo na katagal kakilala si Dianne?" Tanong nya na may halong pagtataray

Darius: "I met her first ten years ago. And then we meet again last April" Kumunot naman ang noo ni Ate Jessy na tila hindi nagustuhan ang sinagot ng lalaki. Kumain na lang ako sa isang tabi at napailing ng hindi oras.

Jessy: "Ten years ago? College pa kami noon huh?" Ngumiti si Darius na tila inaalala ang unang beses naming magkita.

Darius: "Yes, sa CRC. I was on my garage when I first saw her. Malagkit ang tingin sa aking Le mans" Ngumisi sya sa akin. Siniko ko naman sya ng tantanan ako ng kanyang mga mata.

Jessy: "CRC? Dianne, yun ba yung racing circuit nila Dylan?" Makahulugang tanong nya sa akin. Tumaas na lang ang aking kilay at umigting ang panga ni Darius. Hitting the red lines.

Ako: "Oo" Walang gana kong sagot sa kanya. Ngumiti naman sya na para bang nakahanap sya ng butas para pag-usapan ang paksang iyon.

Siya ang unang naka-alam noon sa mga kaibigan ko na wala na kami ni Dylan. Ilang balde ng luha ang naiyak ko noon sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, naniniwala syang may matinding dahilan si Dylan kung bakit nya nagawa iyon. Kung ano mang dahilan iyon, hindi parin sapat iyon para saktan at iwanan ang isang tao na mahal na mahal sya. Too shallow.

Jessy: "Alam mo Dianne, nanghihinayang parin ako sa inyong dalawa. Seven long years. Nakakapanghinayang"Humigpit ang aking pagkakahawak sa kutsara.

Ako: "It's not the relationship that we had, it's my time"

Darius: "Absolutely. Hindi nasusukat sa tagal ng pinagsamahan ang pag-ibig" Nalipat ang atensyon ni Ate kay Darius. I smell some war here.

Jessy: "Maybe, but he really loves you" Napabuga ako ng hangin sa kanyang sinabi nya.

Darius: "But his love for Dianne is not enough though"

Jessy: "His love for Dianne is enough to let her go" Huminto sa pagkain si Darius. Huminto ito panandalian bago tumingin kay ate.

Darius: "If you love someone, you'll never let her go. You'll never hurt her-"

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon