Chapter 66- Napagbuntungan

1K 14 1
                                    

"Kukunin ko lang yung sasakyan, wait for me" Paalam sa akin ni Darius. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

Naiwan ako mag-isa sa circuit. Simula nang huling lumabas kami ni Darius ay hindi na maalis sa utak ko ang lalaking iyon. I don't know. There's nothing about him for me to care, pero tila may anay na nagpupumilit kainin ang utak ko. Tulala ako nang maagaw ng isang dilaw na BMW M4 ang aking atensyon. Mabilis na umiikot ito sa track at tila hindi iniintindi kung mapudpod man ang kanyang gulong. Nakakatuwang tunghayan ang ganoong gawain. Nang magsawa ay huminto ito at bumaba ang isang lalaking gumugulo sa aking utak. Napatayo tuloy ako ng duretso at pilit inaninag ang kanyang mukha.

Tulad ng una kong naramdaman ng magtama ang aming mata, tumayo ang aking balahibo at tila tinakasan ako ng aking katinuan. Tumigil sya sa paglalakad at tinugon ang aking paninitig. Ilang segundo lang ay umalis na sya at tila nagkaroon ng sariling utak ang aking paa.

Tinahak ko ang daang pinasukan nya. Abot langit ang aking kaba habang sinusundan ko sya. Nang lumingon sya sa aking panig ay agad akong napatago sa mga gulong na nakaimbak sa hallway. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ba sinusundan ang lalaking ito.

Nang marinig kong muli ang kanyang yapak ay sumunod na ako. Ano naman ang gagawin ko kung sakaling masundan ko sya? ano namang idadahilan ko kung sakaling mahuli nya ako.

Pumasok sya sa isang locker room at sa puntong iyon ay nagising na ako sa aking kahibangan. Itutuloy ko ba ang pagsunod o babalik na lang ako sa labas. Tumalikod ako at nasubunutan ko na ang aking sarili. Ano ba itong pinasok ko?

Sayang naman kung babalik ako, nandito na ako. Sisilip na lang ako.

Humarap ulit ako sa pintuan at lalong bumilis ang pagkabog ng aking puso. Humawak ako sa hamba ng pintuan at dahan dahang sumilip. Nang masiguradong wala sya doon ay unti unti nang tinahak ng aking paa ang daan papasok. Walang ibang tao doon.

Hindi ko alam kung saan sya nagsuot, basta patuloy lang ako sa aking paglalakbay. Habang tinatahak ang daan ay gumagala na ang aking mata sa mga gamit na nasa upuan ng biglang mamatay ang ilaw. Halos maubos ang aking dugo sa takot. Agad akong tumakbo patungong pintuan ngunit huli na para magawa iyon. May humatak sa aking kamay at malakas nya akong hinatak pasandal sa mga yerong locker. Kumalabog ito ng malakas tulad ng pagkalabog ng aking puso.

Nahuli nya ako. Hawak nya ako ngayon at hindi ko magawang makatakas. Hinigpitan nya ang hawak sa dalawa kong pulso at idiniin ito sa locker. Para bang sinisigurado nyang hindi ako makakalaban.

Nagtugma ang mga mata pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makita ang kanyang mukha. Nakasuot ang bonnet sa kanyang mukha at ang mga matang iyon lamang ang naaaninag ko.

Ilang segundo lang kaming ganoon. Nawala sa utak ko ang inihanda kong sagot kung sakaling mahuli nya ako.

"Dianne!" Narinig ko ang boses ni Darius di kalayuan sa pwesto namin. Lumuwag ang hawak ng lalaki at sumama ang pakiramdam ko dahil sa kanyang ginawa. Gusto kong hawakan nya lang ako. Gusto kong ikulong nya lang ako sa kanyang presensya.

"Dianne! where the hell are you!" Sigaw ni Darius na papalapit na sa aking kinalalagyan. Unti unti namang bumitaw sa pagkakahawak ang lalaki sa akin. Habang ang galit nyang mata ay unti unting pumungay.

Rinig ko na ang yapak ni Darius ng bigla akong yakapin ng lalaki. Mahigpit iyon at sapat na para mawala ako sa katinuan. Mabilis rin ang tibok ng kanyang puso. Ramdam na ramdam ko iyon.

Hindi ko alam pero gusto ko nang maiyak sa ginawa nya. Hindi naglaon ay bumitaw sya at naglakad papalayo sa akin. Nanatili lang ako sa aking pwesto habang tulala. Natagpuan ako ni Darius at dali dali nya akong hinawakan sa balikat. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon