"Let's break up"
Naalala ko ang masamang panaginip ko noon. Ganitong ganito ang mga pangyayari. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari nga.
Masakit
Masakit na marinig mula mismo sa bibig ng taong mahal mo na sumusuko na sya. At hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"Us? B-break up? Teka teka, naguguluhan na ako. Paanong it's not working? Not working in what way? What do you mean? I-I don''t understand. We're not working where?" Unti unti nang namumuo ang luha sa aking mata at sa hindi malamang dahilan ay kumulo ang aking dugo.
Dylan: "Dianne"
Ako: "Saan not working? Masyado na ba akong abala sa trabaho ko at wala na akong oras sayo? Saan? Boring na ba ako kasama dahil pitong taon na puro pagmumukha ko na lang ba ang nakikita mo? Nagsawa ka na bang maghintay dahil hanggang ngayon hindi ko parin binigigay ang pangangailangan mo? Saan Dylan!"
Dylan: "Fuck NO!"
Ako: "Letche Dylan! Ako dapat ang nagtatanong nyan! Saan ako nagkulang para iwan mo na lang ako ng ganito? Damn! Ikaw itong hinayaan kong umalis ng bansa para sa pamilya mo. Ikaw itong pinagkakatiwalaan ko na ako parin ang babalikan mo pagkatapos ng anim na buwan!
Dylan! Ano bang nahithit mo doon at nagkakaganito ka? Bakit?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha na ako ng dahil sa sama ng loob? Saan ako nagkulang? Lahat ng ginawa ko ay para sa ikabubuti nya at ng letcheng relasyon na ito
Dylan: "D-Dianne no"
Ako: "Then saan! Paki-explain kung saan tayo not working! letche. Hindi ako kasing henyo mo sa math para intindihin ang mga letcheng bagay na ikaw lang ang nakaka-intindi!
Kasi as far sa I know, we're normal and happy until few hours ago" Bumilis ang kanyang paghinga at hindi narin nya maiharap ang kanyang mata sa akin.
Dylan: "K-Kasi"
Ako: "Kasi Ano?! Hindi mo na ba ako mahal?"
Dylan: "Mahal"
Ako: "Mahal lang? kasi sa loob ng ilang libong araw na magkasama tayo, mahal na mahal ang bukang bibig mo" Singhal ko sa kanya habang nakahawak sa lamesa. Hinang hina na ako.
Ilang Segundo muna ang dumaan bago muli sya magsalita. Nagawa narin nyang tumingin sa akin.
Dylan: "I-I'm still inlove with someone else"
Sa kanyang binitawang salita ay dinaig ko pa ang binuhusan ng kumukulong muriatic acid. Napayuko ako at ilang luha na naman ang lumandas sa aking mukha. Tumingin ulit ako sa kanya pero umiwas sya ng tingin
Ako: "Inlove with someone else? Wait?
Still? Did you say still? What do you me-"
Dylan: "Oo"
Ako: "What do you mean by still!"
Dylan: "With Anica"
Masakit sa damdamin na matapos ang ilang taon nyong pagsasama. Inlove parin pala sya sa babaeng nang-iwan sa kanya.
Ako: "Wait, Anica? The Anica na nang-iwan sayo? The Anica before me?"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...