"Dianne! Dianne!"
Huh? si mama yun ah
Lumapit sa akin si mama ng nakangiti at hinatak ako papunta sa kung saan. Maayos ang paligid at napupuno ito ng mga bulaklak bilang dekorasyon. Maraming tao na nagkakakagulo ngunit isang pila ng mga naggagandahan at naggagwapuhang pares ang nakita ko. Sa dulo ay isang pamilyar na lalaki ang nakita ko at lumapit kami ni Ina doon
Piolo Pascual? totoo ba ito?
"Dianne, sya ang partner mo, umayos na kayo sa pila. Magsisimula na ang parada"
Ako: Anong parada?
Papa P: Flores de Mayo Dianne
Nagsimula na ang paglakad at hindi na ako nakapagtanong pa.
Masaya ang lahat ng tao, nagliliwanag ang paligid dahil sa mga flash ng camera nila, Doon din ako nalinawan na nakaayos pala ako mula sa buhok, sa damit hanggang sa sapatos.
Nagulat ako nang mawala si Papa P sa tabi ko at mas humigpit ang hawak sa kamay ko ng bago kong kapartner. Hindi ko maaninag nang mabuti ang mukha nya, Bakit blurred?
Nagpatuloy kami sa paglalakad at nakita ko si mama na tuwang tuwa sa pagkuha ng litrato sa aming dalawa. Sa halip na takot ang nadarama ko, tuwa at pagiging komportable ang naramdaman ko.
Natapos ang parada at bigla na lang sya nawala. Lumapit ako kay mama at kinuha ang camera, tiningnan ko ang screen pero
"Dianne! Dianne! Dianne tanghali na!!"
Bigla akong napabangon sa at napatingin sa orasan. 5am pa lang.
Ako: Ma naman eh! maaga pa eh
Mama: Hahaha, sarre
Ako: Whatever
Humiga ako ngunit hindi na ako makatulog ulit. Doon ko lang naalala ang mga pangyayari. Panaginip lang pala
Sino kaya sya? mukhang matagal ko na syang kilala...
Bumangon na ako at naghanda na ako para pumasok
"Mahal ko! mahal ko! yuhoooo! Mahal ko!"
Ang ingay naman nito! aga aga pa eh. Lumabas ako ng bahay at pinagbuksan ng gate si Mokong.
Ako: O anong problema mo? Aga aga nangugulo ka?
Dylan: Good morning Mahal ko! badtrip ka na naman? hindi ka ba natutuwang masilayan ako?
Ako: Hindi!
Lumakad na kami papasok ng bahay
Dylan: eh, Mahal naman, Aga aga kong gumising para ako ang unang lalaki mamakita mo ngayong umaga tapos magsusungit ka na naman?
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...