Chapter 56- Manang Yonda

1.1K 18 0
                                    

"This is my space! Huwag na huwag kang magkakamaling tumapak sa espasyo ko" Banta ko kay Darius na nakangisi sa akin. Nakahiga sya sa kama at tila inuubos ang aking pasensya.

Darius: "Yes architect!" Sagot nya sa akin. Hindi ko na pinansin pa ang presensya nya at lumabas na ako ng kwarto.

Nakarating na kami sa Palawan. The same place where Dianne's located. Naglakad lakad ako sa pangpang at sariwa parin sa akin ang mga kaganapang nangyari dito noon. Ilang taon pa lang ang lumipas pero malaki na ang pinagbago. Ngunit hindi tulad ng inaasahan kong pagbabago.

Napabayaan ang isla at dahil doon ay wala nang nais pang magbakasyon dito. Naluma at naiwan na ng makabagong mundo ang lugar na iyon. Parang mga lumang ancestral house na matapos ang ilang taon ay pinabayaan na lang.

Nakakapanghinayan

Parang relasyon namin ng dating may-ari nito. Naibenta na kasi ito kay Mr. Cody para mabuhay ang lugar. Pero hindi ang kalahati lang ng isla. Ayaw daw kasi bitawan ang kabilang parte.

Kamusta na kaya si Kuya Ralph? Nalulungkot ako dahil hindi naalagaan ang kanyang obra na ngayon ay wala na at tatayuan na ng bago na desenyo ko naman.

Iisa na lang ang natititra sa mga villa nya at iyon ang tinutuluyan namin. Na di kalaunan ay gigibain din kapag may llilipatan na kami. Mahirap pa kasi na humanap ng hotel at masyadong malalayo sa site.

Walo kami sa grupo at dalawang tao kada kwarto. Ang malas ko lang at puro lalaki sila. Sa inhinyero pa ako binilin ni Boss. Kailangan ko tuloy hatiin ang kwarto para makalayo sa lalaking iyon.

Hindi parin kami ayos pero muling sumilay ang kanyang ngisi nang ibinilin ako sa kanya. Ang akin lang naman ay hindi na ako bata para bantayan pa.

Sa paglalakad ko ay may nakasalubong ako na isang lalaki na may hawak na camera. Tumingin sya sa akin at nakilala ko sya.

Si Alan

Ngumiti sya sa akin at masiglang lumapit sa akin. Tulad ko, marami naring nagbago sa kanya. Pero may hawak parin syang camera tulad noon. Marami syang nakuhang magagandang litrato namin noon ng amo nya ng patago.

Alan: "Ma'am! Kamusta na kayo? matagal ko po kayong di nakita" Bati nya sa akin. Ngumiti lang ako ng hilaw sa kanya.

Ako: "Okay lang. Naging abala lang sa trabaho. Dito ka parin ba nagtatrabaho? Kamusta na si manang?" Nawala ang ngiti nya

Alan: "Hindi na po maam. Sa bayan na po ako nagtatrabaho simula ng isara ang Dianne's" Hindi na ako ngumiti doon.

"Binibisita ko lang po ang rest house para linisan kada buwan. Gusto nyo po bang makita si Manang?" Napaisip muna ako kung sasama ako sa kanya. Tutal bukas pa naman magsisimula ang trabaho.

Tumango ako sa kanya at sumama na sa paglalakad patungo sa kabilang parte ng isla. Bahala na sila kung mag-aalala man sila sa akin.

Napupunit ang puso ko habang papalapit na kami sa resthouse. Tulad ng sa kabila at napabayaan narin ito. Ngunit nalilinis naman kahit papaano. Wala daw doon si manang at nasa kabilang isla daw kaya sumama ako.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon