"Alexander, ang susi?" Inilahad ko ang kamay ko sa kanyang harapan. Napahinto naman silang dalawa sa pagbabangayan. Nanahimik lang si Timothy sa isang tabi habang kumunot naman ng noo ni Dylan.
Dylan: "Susi?"
Ako: "Key. Moron"
Dylan: "Susi ng ano?"
Ako: "Your Mustang" Lalong kumunot ang noo nya at humalukipkip pa sya sa aking harapan.
Dylan: "Where are you going Ms?" Masungit nyang tanong sa akin. Humalukipkip rin ako sa kanyang harapan.
Ako: "Kailangan kong bumalik ng villa. May kukunin lang akong importante" Nagkamot naman sya ng ulo.
Dylan: "Sasamahan na kita"
Ako: "NO! I-I mean, ako na lang. Kaya ko naman"
Dylan: "No. Baka mamaya iwan mo ulit ako"
Ako: "Ibibigay mo ang susi o hindi na talaga kita patatawarin? mamili ka" Ilang segundo syang natulala. Pero matapos ang isang buntong hininga ay iniabot nya sa akin ang susi ng kanyang sasakyan.
Mabilis kong tinungo ang kanyang sasakyan at pinaharurot ito palabas ng site. Agad kong tinahak ang daan papaba ng Tagaytay. Wala na akong paki-elam kung ano mang isipin ni Dylan. Ang importante lang sa akin sa ngayon ay ang masapak si Darius na madaldal.
Ilang oras ang tinahak ko at nakarating na ako ng CEA. Never mind if I'm starving. Never mind kung maubos ko man ang gas ng Mustang. Sapat na sa akin na makakita ng isang taong dumudugo ang ilong dahil sa akin.
"Architect!" Gulat na bungad ni Boss sa akin na nakasabay ko sa elevator
"Anong ginagawa mo dito?" Gulong tanong nya sa akin.
Ako: "Nandito ba si Darius?" Tanong ko sa kanya.
Boss: "Y-yes"
Nagbukas ang pintuan at lumabas na ako kung saan matatagpuan ang opisina ni Darius
Ako: "Thanks"
Boss: "Wai-" Hindi na sya nakatapos dahil agad ring nagsara ang pintuan.
Kuyom ang aking palad ng pumasok ako sa kanyang opisina. Hindi naman ako pinigilan ng kanyang assistant dahil kilala naman nya ako. Nakatayo pero nakatalikod sa akin si Darius. Nang malakas kong isinara ang pintuan ay nagulat sya at galit na humarap sa akin. Pero ang galit na iyon ay nawala at napalitan ng lungkot.
"Dianne" Bati nya sa akin. Dali dali naman akong lumapit sa kanya at sinuntok sya sa mukha. Tulad ng inaasahan ko ay nagdugo iyon. Agad syang kumuha ng panyo at itinapat iyon sa kanyang ilong.
"Damn! Bakit mo ako sinapak?" Halos galit nyang tanong sa akin.
Ako: "Nagtatanong ka pa kung bakit, eh alam mo naman ang sagot!" Galit kong singhal sa kanya. Tumunog naman ang aking telepono at agad ko rin namang pinatay. Pinagtutulungan ng aking ina at ng aking ex na pasabugin ang telepono dahil sa walang humpay nilang pagtawag.
Darius: "Ano namang ginawa ko"
Ako: "Bakit mo sinabi kay mama na sa iisang bubong lang kami tumutuloy ni Dylan? magkakalat ka lang ng tsismis, mali pa" Nawala naman ang kunot sa kanyang noo at tumayo na sya ng duretso. Inalis na nya ang panyo sa kanyang ilong na ngayon ay huminto na sa pagdurugo. Ibang Darius na ang kaharap ko ngayon.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...