Chapter 18- Zach Dela Cerna

1.8K 32 3
                                    

Idinilat ko ang aking mata at ginawa ang mga nakasanayang gawain tuwing umaga. Nakangiti at maaliwalas ang aking pagmumukha. Inayos ng mabuti ang sarili at hinayaang nakalugay ang aking buhok. Nagulat si mama dahil sa kakaibang aurang taglay ko na minsanan na lang nyang makita simula noong pumasok ako ng kolehiyo.

"Good morning ma!" bati ko sa kanya. Bakas sa mukha nya ang pagtataka.

"G-Good morning!, may kakaiba yata sayo?, kayo na ba ni son-in-law?"

Natawa naman ako sa tanong nya, si mama talaga

"Ma, pwede bang masarap lang ang tulog ko" napatingin ako sa lamesa namin at nawala ang ngiti ko matapos malamang walang almusal na hinanda si ina.

Ako: "Ma,nasaan ang almusal?"

Mama: "Kinain ko na"

Ako: "Bakit hindi mo ko tiniran?:("

Mama: "Sabi kasi ni son-in-law, sabay daw kayong mag-almusal"

Napatingin ako sa paligid at hinanap ang isang unggoy, pero nabigo ako

Ako: "Wala naman sya dito eh"

Mama: "Wala sya dito kasi nasa labas sya at kanina ka pa nya hinihintay, kaya lumayas ka na at nang makakain ka na"

Napasibangot ako sa sinabi nya parang pinapalayas na nya ako, hay, ano kayang pinakain ni mokong sa nanay ko at naging ganito ito. Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas ng bahay. Nagulat ako sa nakita ko dahil isang nilalang na malakas ang dating ang sumalubong sakin.

Naka itim na leather jacket, may pulang v-neck na t-shirt pang loob at itim na pantalon at naka sandal pa ito sa isang itim na sasakyan na iba sa karaniwan nyang ginagamit. Hindi ako makapaniwala na may igagwapo pa pala ang taong ito. Kanina lang ay payapa ang aking pag-iisip dahil sa hindi malamang dahilan, ngunit nang makita ko sya ay nagulo ulit ang sistema nito na para bang dumating na ang boss ng utak ko at nagkagulo ang mga empleyado nito.

Napansin nya ang pagtunganga ko sa kanya kaya tumayo sya ng ayos at kinuha ang isang bouquet ng rose sa hood ng kanyang sasakyan. Hinawakan nya itong mabuti, huminga ng malalim saka humakbang papalapit sa akin.

Hindi magkamaliw ang puso sa pagtibok nito. Masasabi kong para itong eksena sa isang pelikula, tahimik ang paligid, tila isang slow motion ang nangyayari. Tanging tibok ng puso ko ang naririnig ko habang nakangiti syang lumalapit sa akin.

Huminto ang buo kong sistema noong huminto sya sa harap ko. Nakangisi ito at hindi ko alam kung bakit.

"Maganda ka pa sa umaga mahal kong binibini" inabot nya sa akin ang napakaraming bulaklak at saka lumapit para halikan ako sa pisngi. Bigla akong nakuryente nang lumapat ang labi nya sa aking pisngi. Hindi naman sya siguro si Flash para kuryentihin ako.

Matapos iyon ay ngumisi ulit sya. Hindi ko alam kung bakit tuliro parin ako, dapat sinuntok ko na sya dahil sa ginawa nya. Pero wala, nawala na ako sa katinuan. Gulay!

Ilang minuto muna ang lumipas bago ako mapabalik sa katinuan, alam kong nakakahiya ang ginawa ko pero wala akong magawa. Ang ngisi nya ay unti unting naglaho at naging sibangot ang kanyang ngiti kani-kanina lang.

Unti unti akong ngumiti dahil sa ginawa nyang pagsibangot. Hindi nya kasi maintindihan ang nangyayari sa akin.

Ako: "Oh ano, sisibangot ka na lang ba dyan?"

Dylan: "Ayos ka lang ba mahal ko? may sakit ka ba?" inilapat nya pang ang kanyang palad sa aking noo "kanina lang parang tulala ka, tapos ngayon ngingiti ka, sabihin mo bilis, dadalin kita sa doctor"

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon