Chapter 32- Dustin

1.1K 15 2
                                    

"Mahal ko, akin na yan!" pilit kong inilalayo sa kanya ang bagay na lubos na nagpasaya sa akin sa araw na ito


"Ayoko nga! akin na lang" singhal ko sa kanya. Kanina pa kami paikot-ikot sa kwarto nya dahil sa pilit nyang inaagaw sa akin ang litrato nyang natagpuan ko habang ako naman ay pilit na lumalayo sa kanya

"Ah! ayaw mong ibigay ha!" nanglaki na lang ang mata ko at natulala na lang sa ginawa nyang pag-atake sa akin. Hindi ko na nagawa pang tumakbo dahil ibinagsak na lang nya ako sa kama at saka kiniliti ng walang humpay. Halos malukot na ang litrato ngunit pinipilit ko parin itong ilayo sa kanya kahit nakadagan na sya sa akin. Halos tawa ko na lang ang maririnig sa buong kwarto ngunit napalitan ito ng isang nakakabinging katahimikan.

"Susmaryosep! Alexander!"

Napatingin kaming dalawa ni Dylan sa pinto kung saan gulat na gulat ang isang magandang babae na kahawig ni Dylan. Bumitaw sa mahigpit na pagkakahawak sa kamay ko si Dylan saka tumayo ng ayos. Ako naman ay dali dali rin tumayo at inayos ang gulo gulo kong buhok. At unti unti na akong nilalamon ng kahihiyan.

"Mom!" masayang bati ni Dylan at saka nito dali daling lumapit sa kanyang ina na gulat parin. Yumakap ito ngunit agad naman syang inilayo ng kanyang ina.

Tita: "Alexander! anong ginagawa nyo! ang babata nyo pa!"

Dylan: "Mom, mali ang iniisip mo!"

Tita: "Eh anong gusto mong isipin ko? wala kang pang-itaas tapos nakadagan ka pa kay Dianne at nasa kama kayo!" napakamot naman ng ulo si Dylan

"Magbihis ka na at sumunod kayong pareho sa baba, tatawagin ko lang ang dad mo"

Pagkatapos noon ay umalis na sya at kami namang dalawa ay naiwang tulala. Napaupo na lang ako sa kama at itinago sa bulsa ang litratong pinag-aagawan namin. Huminga muna sya ng malalim bago kumilos. Nagtungo sya sa kanyang walk in closet at bumalik ng bihis na. Inilahad nya ang kamay nya sa akin at tinanggap ko naman kahit nanginginig na ako sa kaba

Dylan: "Relax, wala naman tayong ginagawang masama eh" ngumiti sya sa akin at kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

Bumaba kami sa sala at dinatnan namin ang kanyang ina na nakahalukipkip na nakaharap sa lanai ng bahay at ang kanyang ama naman ay naka dequatrong nakaupo sa sofa.

Dylan: "Dad!"

Lumapit kami sa kanyang ama at tumayo naman ito para yakapin si Dylan. Bumitiw ako kay Dylan upang mayakap nya ito ng ayos. Tulad ng una naming pagkikita ay natulala na naman ako sa kanyang ama. Magkamuhang makamukha talaga sila. Naunang bumitiw ang kanyang ama sa yakap at ngumiti kay Dylan. Napunta sa akin ang atensyon nya at dahan dahang lumapit sa akin.

Tito: "Dianne! nice to see you!" ngumiti naman ako sa kanya kahit nagwawala na ang sistema ko

Ako: "Ah, good afternoon po!" lumapit ako sa kanya at nagmano sa kanya

Tito: "Alexander, ano tong sinusumbong ng mom mo?" Lumapit ulit si Dylan sa akin at umakbay. Hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko

Dylan: "Dad, mali ang iniisip ni mom"

Tito: "Eh ano bang nangyari? magkaka-apo na ba ako?"

Tita: "Conrad!"

Tito: "What?!"

Dylan: "Mom, mali nga po yung iniisip nyo. Naghahabulan lang kami ni Dianne, ayaw nya kasing ibigay yung picture ko"

Tita: "Bakit ganoong scene yung dinatnan ko?"

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon