Date: April 27, 2015
"Mahal ko, alam kong nandyan ka. May nagawa ba akong masama? may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan. Sorry na kung ano man iyon. Sige na kausapin mo na ako, miss na miss na kita"
Ito na ang pangatlong araw na walang humpay sa pambubulabog si Dylan sa aming bahay. Ngunit palagi naman syang nabibigo na makita ako dahil ako mismo ang nagtatago sa kanya. Isang linggo na ang lumipas simula noong huli kaming nagkita. Noong unang araw ay umalis ako ng maaga mula sa bahay para gawin ang mga plano ko. Hindi ko pinansin ang mga text at tawag nya kahit na sumabog pa ang telepono ko. Sa sumunod na araw ay nagtago lang ako sa bahay at ka-kuntsaba si mama sa pagtatago sa akin. Hanggang sa naging ganoon ang sistema araw araw. Ngunit malakas talaga ang pang-amoy ni Dylan at minsan akong nahuli sa aming bahay. Dali dali akong pumasok ng kwarto at nagkulong. Doon nagsimula ang araw araw nyang pangbubulabog sa akin.
Kalahati na lang ng background ang kailangan kong tapusin at babalik na sa normal ang lahat. Normal nga ba?. Simula ng gawin ko ito ay palagi na akong tumatabi kay mama sa pagtulog. Dahil hindi kinakaya ng ilong kong singhutin ito kahit sa pagtulog man lang.
"Mahal ko, galit ka ba sa akin?"
Hindi Dylan, hindi ako galit sayo. Sinasagot ko na lang sya sa utak ko kahit gustong gusto koong marinig nya ang mga paliwanag ko
"I bought munchkins for you. Now I realize na hindi na pala sya masarap kainin kapag hindi ka kasama"
Nanglaki ang mata ko sa sinabi nya. Ang iniibig kong munchkins ay nasa kamay lang nya. Naisin ko mang kagatin ang offer nya, hindi ko parin hahayaang masira ang plano ko. Kapag nagtagumpay ito, mas maraming munchkins ang darating.
Ilang oras pa ay tinapos ko na ang obra ko. Dito ko binuhos lahat ng natutunan ko sa Visual communication namin. Kahit pagod ay nagawa kong ngumiti sa tuwa. Kuhang kuha ko ang litrato.
Gabi na nang lumabas ako ng kwarto at wala na doon si Dylan. Nalungkot ako dahil kailangan ko syang balewalain pero gumaan naman ang loob ko ng datnan ko ang pinakamamahal kong munchkins sa harapan ng pinto ng aking kwarto.
Naghihilik na si mama pero hindi parin ako makatulog dahil kinakabahan ako sa gagawin ko bukas. Suportado ako ni mama sa plano kong ito at natuwa sya dahil sa wakas ay may nadrawing na rin daw ako na mukhang tao. Sayang lang daw at hindi nya makikita dahil kailangan nyang pumasok. Nagpag-usapan din namin ang mga limitasyon ko kapag nagtagumpay ito. Sinigurado ko naman sa kanya na mas mahalaga para sa akin ngayon ang pag-aaral.
Kinaumagahan ay maaga akong nag-ayos. Hinanda ang speech na paulit ulit kong binibigkas habang nagpipinta. Kinuha ko ang bago kong telepono na pinag-aralan ko pa kung paano gamitin. Dinial ang pangalan ni Dylan at isang ring palang ay sinagot na nya ito.
"M-mahal ko?!" bakas sa boses nya ang lungkot, pagkabigla at saya
Ako: "Dylan"
Dylan: "Mahal ko, sa wakas kina-usap mo na ako. Bakit mo ba ako pinagtataguan? may nagawa ba akong hin-"
Ako: "Dylan" pinutol ko ang mga katanungan nya. Nanahimik naman sa kabilang linya
"Dylan, I need your help."
Hindi ko na narinig pa ang sagot nya. Hindi na nya nagawa pang patayin ang cellphone nya para putulin ang linya. Narinig ko ang mga mabibilis na pag-hakbang palabas ng bahay at ang pagbukas ng maingay na makina ng Audi.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...