"Please prepare pancakes with brewed coffee for breakfast and Adobo for dinner"
-D
Nilukot ko ang papel na nakadikit sa ref saka ito ishinoot sa basurahan. Nawala ang ngiti sa aking mukha matapos mabasa iyon. Plano ko pa namang magluto ulit ng pansit canton para sa almusal. Spicy naman ngayon para maiba, at mamayang gabi ay lucky me naman. Pero kilalang kilala nya parin ako, kabisado nya parin ang pasikot sikot ng utak ko.
Sinimulan ko nang painitin ang kawali habang hinahalo ang lulutuin kong pan cake. Matapos ang sampung pancake ay tinantanan ko na iyon at inilagay ko na sa lamesa. Sunod ko namang trinabaho ang kape ng Boss habang hot chocolate parin sa akin. Tulad kahapon, hubad na naman syang bumungad sa akin. Pero sa pagkakataong ito ay nakangisi sya. I really hate seeing him happy.
Dahil naisahan nya ako sa araw na ito. Buong araw ding maganda ang timpla ng taong ito. Nagawa nya pang magbiro sa site habang kulang na lang ay ilampaso ko sa sahig ang aking nguso sa aking pagsibangot.
Asar na asar ako nang umuwi na ako. Hindi na ako sumabay sa kanya dahil naiirita lang ako. Hindi ko kasi magawang gumanti sa kanya. Kailangan ko pang maghintay ng lunes para naman mapagtripan sya. Kahit kailan ay hindi maganda ang ideyang sya ang makakasama ko sa villa.
Sumapit ang hapon ng byernes at buhay na buhay ang aking dugo dahil sa wakas, matapos ang limang araw ng kahirapan ay makakauwi na ako. Hinagis ko na sa likod ng sasakyan ang mga gamit ko at saka sumalampak sa likuran ng pasenger seat. Kumunot naman ang kanyang noo habang naglalakad patungong driver seat.
Dylan: "Hey, I'm not your driver" Suhestyon nya sa akin. Tinaasan ko na lang sya ng kilay saka ipinasak ang headphone sa aking tenga.
Ako: "I'm tired. Ayoko namang matulog sa tabi mo" Umirap pa sya sa kawalan. Makakaganti naman pala ako. Ipinikit ko na ang aking mata at yinakap ko pa ang aking bag. Bahala sya sa buhay nya. Hindi rin nagtagal ay naramdaman ko na ang pagharurot nya.
Maikli ang dalawang araw na pahinga para gawin lahat ng kailangan mong gawin sa Maynila at Bulacan. Nariyang kailangan mong i-meet ang isang kliente, kailangang bisitahin ang Mama's. kailangang kamustahin ang Darius na hindi ko na malaman kung buhay pa ba.
Darius: "I'm sorry Honey. Hindi ko lang talaga maiwan itong site. Plus marami pang pinapagawa si Boss sa akin" Napabuga na lang ako ng hangin. Ibinigay ko na ang bayad sa cashier saka lumabas ng 7/11 bitbit ang binili kong hot chocolate. Pinatunog ko na ang Audi saka ako sumakay.
Ako: "Alright, whatever. Inaalam ko lang naman kung buhay ka pa" Pinaandar ko na ang sasakyan at tinahak na ang daan patungong Tagaytay.
Darius: "Hindi ba tayo pwedeng magkita ngayon?" Panglalambing nya sa akin sa telepono.
Ako: "We can't. Pabalik na ako ng Tagaytay" Rinig na rinig ko naman ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.
Darius: "Dala mo ang Audi mo or you're with.. him?"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...