Chapter 17- Race with Him

1.5K 29 0
                                    

Hindi ko alam, nalipat yata lahat ng kaba ni Dylan sa akin. Nanglalamig ang aking mga kamay at pinagpapawisan ako ng malamig. Kasalanan lahat ito ni mokong.

Hindi ko alam kung nilalamig ba ako o naiinitan dahil mainit sa katawan ang suit na pinasuot sa akin ni Dylan. Yung parang sa mga racers na buong katawan eh kasya yung damit. Isinuot ko na ang helmet at tinulungan nya pa ako sa pag aayos nito. Ikinabit na din nya ang seat belt ko.

"Kasalanan mo to eh" sabi ko sa kanya. Bakas sa mata nya na nakangiti sya. Hindi ko na kasi makita ang buong mukha nya dahil naka helmet na din sya.

"Okay lang yan mahal ko, mag eenjoy ka dito promise!" hinawakan nya ang nanginginig kong kamay. Ewan, nakampante naman ako sa ginawa nya. Bakit ba kasi ako pumayag na sumama dito ehhhh.

Nasa kaliwa naman namin si Red guy na hanggang ngayong eh hindi ko parin alam ang tunay na pangalan. Kahit nakahelmet ang dalwang mokong na ito ay dama ko ang tensyon na namumuo. Nagsimula na ang count down at humawak na ko sa lahat ng pwede kong kapitan. Naway makauwi pa ako at maibalita ko ng buhay sa nanay ko na naka-perfect ako sa math sa unang pagkakataon.

At sa isang iglap ay nagsimula na. Mabilis ang mga pangyayari. Mas mabilis pa ang andar namin ngayon kaysa kanina noong papasok kami sa school dahil sa pag mamadali.

Tatlong laps ang dapat bunuin bago malaman kung sino ang mananalo sa laban na ito. Dikit ang laban. Noong una ay palagi kong sinisigawan si Dylan na ng bagalan pero nakalimutan ko na karera nga pala to. Tuwing nauuna kami ay napapatili ako sa tuwa. Tuwang tuwa naman ang mokong dahil nagmumukha akong eng eng sa tabi nya. Sa tuwing nauuna naman si Red guy ay pinagpapalo ko sya at may kasama pang sermon.

"Mokong ka! naunahan na tayooo! bilis gamitin mo na yung nitro mo!!!"

Kahit naaasar ay nagawa pang magbiro ng mokong na to

"Mahal ko, huwag mo kong paluin. Lalo tayong matatalo! at baka nakakalimutan mo? hindi to Need For Speed!"

Natameme naman ako sa sinabi nya. Oo nga pala, totoong buhay nga pala to. Haynakooo.

At para makabawi, tinuturo ko sa kanya kung kakanan ba o kaliwa. Kung malayo ba yung kalaban o malapit na kaming lagpasan. Sa dalawang laps ay tig isa sila ni Red guy.Last lap na at kailangan talaga naming mauna.

Kalahati na lang at natatanaw na namin ang finish line. Wala na akong ibang ginawa kundi ang icheer si Dylan ng "GO DYLAN!". Konti na lang pero nagulat kami ni Mokong at lahat ng taong nanonood sa ginawa ni Red guy. Binunggo nya ang bandang kaliwa sa likuran ng sasakyan, dahilan upang bumagal ang takbo namin at mawalan ng control si Dylan.

Tumatawang nilagpasan kami ni Red guy. Pero sa kabila ng nangyari ay hindi sumuko si Dylan at ibinalik nya ang control sa sasakyan. Malayo na ang agwat namin sa kalaban pero sinubukan parin naming abutan sya.

Well this time, ang karma na ang humabol kay Red guy na malapit na sa finish line. Sumabog ang isang gulong nya sa unahan kaya sa halip na duretso sa tagumpay ay na out sya sa track. Natawa naman kami at kahit mabagal na ang takbo namin ay nagawa naming umabot sa finish line. Nagwagi si Mokong, nawala na ang takot nya. Nakita ko ang tunay na saya sa mga mata nya.

_________________________________________________________________________________

Nagsisigaw kami sa tuwa ni Dylan. Inalis nya ang helmet at ang seat belt nya at inalis din ang sa akin. Huminto sya ng nakangiti sa akin. Hindi ko alam pero nakatunganga lang sya sakin.

DUGUDUG... DUGUDUG... DUGUDUG... DUGUDUG... DUGUDUG... DUGUDUG... DUGUDUG...

"ah eh Dylan, wala ka bang balak lumabas at magtititigan na lang ba tayo dito?"

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon