Chapter 64- Ako na lang

1K 18 4
                                    


Before anything else, Maligayang pagbabago ng taon! Isang taon narin ang binubuno ko sa storyang ito. Bwahahaha. Well marihap pagsabayin ang pag-uupdate at paggawa ng mga plates kaya inabot ako ng isang taon. But the thing is, you guys are awesome! Salamat sa pagbabasa kahit makupad mag-update, may mga typographical errors, pagkadismaya kung minsan ay hindi ko naaabot ang standards ng mambabasa at kung ano ano pa. Thank you for thousand of reads, noon masaya na ako sa isang view lang. Maraming salamat. Maraming maraming salamat.

_____________________________________________________________________________________

Date: 01, January 20**

Time: 1:21Am

"Paano ka uuwi! ang hina hina mo naman pala, ang lakas mong maghamon!" Singhal ko sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Suot suot nya ang ngising palagi nyang iginagawad sa akin tuwing magkikita kami.

"Dito na lang ako matutulog!" Matawa tawang suhestyon nya sa akin. Binatukan ko naman sya nang magising sa katotohanan.

Ako: "Ikaw! sinadsya mong hamunin ako ng magawa ang plano nyo ni mama no! At itinuon mo pa talaga na wala sya dito!" Tumawa sya ng malakas sa aking sinabi. Hindi ko naman maiwasang maaasar sa kanyang inaaasal. Simula ng makakuha sya ng basbas kay mama ay lalong tumaas ang kanyang lipad. Nilagok ko naman ang huling shot ng JD na kanina pa namin tinutungga.

Darius: "Alam mo Architect, a year ago I would've never guessed life would be the way it is now. I spend new year in bars and partying all night."

Ako: "Oh, sana doon ka na lang at pinatulog mo na lang ako ng maaga."

Dustin: "I don't like. Mas masaya palang kasama ka instead of neon lights and sizzling girls" Nakangiting sagot nya sa akin. Napailing na lang ako sa kawalan habang nakangisi sa kanya.

Katatapos lang ng new year at sinamahan ako ni Darius sa bahay. Sumama kasi si mama sa iba kong kamag-anak na lumipad patungong Hongkong. Habang ako naman ay nagpa-iwan dahil sa haharapin ko pang trabaho.

Ako: "Paano naging masaya? kasama mo ang isang mataray na babae sa isang malungkot na tahanan ?"

Darius: "Why not? you're hot, and I want you"

Ako: "Nako Darius, gumana na naman iyang malilikot mong imahinasyon."

Sumeryoso ang kanyang mukha at naupo pa sya ng tuwid. Tila ba hindi sya sang ayon sa aking sinambit

Darius: "I'm serious Dianne. Sad thing, hindi ka naman mahuhulog sa akin"Tumingin ako sa kanya at bakas ang kalungkutan sa kanyang mata. Napaiwas tuloy ako at tumitig na lang sa aking baso.

Ako: "I'm trying Darius. Pero ayokong hintayin mo pa ako. Ayokong umasa ka kasi baka hindi ko kayanin" Nilagok nya ang laman ng kanyang baso at hindi na muli akong tiningnan.

Darius: "Ten years. Hindi pa ba sapat iyon para patunayan ko sayong kaya kong maghintay. Come on Dianne, okay lang sa akin na gawin mo akong panakip butas hindi ba. Sinabi ko na sa iyo yan noon."

Ako: "I don't want to make things complicated Darius. What if-"

Darius: "What if bumalik sya at suyuin ka nya?" Matalim na titig ang iginawad nya sa akin. Habang nalaglag naman ang panga ko sa kanyang sinabi. Naisin ko mang umangal ay hindi ko magawang makapagsalita.Reality hits me. Sya na mismo ang nagbigay sagot sa mga tanong na umiikot sa aking utak.

"Sabi na nga ba. He's still the one" Hinawakan ko ang kanyang kamay para mapatigil sya sa kanyang sinasabi. I don't want to bring up this topic.

Ako: "Please stop it!"

Darius: "Then love me. Forget him and love me instead" Ilang segundo kaming nagtitigan na tila ba tinatantya ang isa't isa. Una akong bumitaw at tumayo na mula sa high stool. Sumunod naman sya at hinila ang aking kamay dahilan para mapaharap ako sa kanya. Unti unti ay isinandal nya ako sa malamig na pader ng aming tahanan. Mabilis ang kanyang paghinga at malikot ang kanyang mata. 

Hindi naglaon ay bumagsak ang kanyang mata sa aking labi. Nararamdaman ko na kung ano ang kasunod nito.

"Ako na lang Dianne, ako na lang"

Unti unting lumapit ang kanyang mukha sa akin. Hanggang sa pumikit sya at naramdaman ko na ang pagdampi ng kanyang labi sa akin. Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng aking luha. Mabagal sa simula ngunit hindi naglaon ay naging agresibo ito. Tumugon ako sa kanyang halik at hinanap ang pagkakataong buhayin ang puso kong nanglalamig. Gumalaw ang kamay ko at napadpad ito sa kanyang batok. Habang ang kanyang mga kamay naman ay sa aking bewang. Dumaloy ang kuryente sa aking katawan sa bawat halik nya sa akin. Pero sadyang may kulang at hindi ko malaman kung ano iyon.

Biglang napuno ng mga alaala ang aking paningin. Ang mga mata nya, ang kanyang matangos na ilong. Naalala ko bigla kung paano nya ako halikan noon. Puno ng pagmamahal iyon na tila ba hindi na kami matatapos sa aming ginagawa. Ibang iba iyon sa paraan kung paano humalik si Darius.

Tumaas ang mga kamay ni Darius at napunta ito sa aking likod, lalo tuloy nagkalapit ang aming katawan.

"No matter what happen, always remember that I love you"

Sa hindi malamang kadahilanan ay narinig ko ang kanyang boses nang sinabi nya ang mga salitang iyon. Sa gulat ay napadilat ako at buong lakas kong itinulak si Darius palayo. Nagulat din sya sa aking inasal at nanatiling laglag ang kanyang panga. Pawang hingal kaming pareho dahil sa kamaliang pinahintulutan ko. Inayos ko ang aking sarili at umiwas ako sa kanyang mata.

"Doon ka na lang matulog sa kwarto ko. Ako na doon sa kwarto ni mama. Good night"

Iniwan ko syang tulala at dumuretso na ako sa kwarto ni mama. Pagkasarado ng pinto ay napasandal na lang ako doon. Dumuretso na ang aking luha dahil sa mga alaalang hanggang sa puntong iyon ay minumulto ako.

Noon, gulong gulo ang utak ko dahil sa mga kulang sa buhay ko. Ngayon, gulong gulo ako dahil ayaw akong tantanan ng kahapon na syang hinangad ko noon. Sana pala'y hinayaan ko na lang na mag-isa ako. Sana pala'y hindi ko na tiningnan pa ang mga status ni Zach noon. Sana'y hindi ko na lang nakilala ang taong hiniling ko noon. Kung uulitin ko man iyon, ito na lang ang masasabi ko.

Dear Ex-Boyfriend,

Kung nasaan lupalok ka man ng mundo, huwag ka nang magparamdam. Masyado nang magulo ang utak ko at kailangan ko nang burahin ka ng dumaloy ng matino ang aking dugo.

Nasaktan,

Dianne </3

=x=

____________________________________________________________________________________


BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon