Chapter 63- Christmas

957 16 0
                                    

"Kailan ka ba kasi mag-aasawa?" Pangungulit sa akin ni mama. Napabuga na lang ako ng hangin sa kawalan. Eto na naman tayo.

Iniliko ko na ang beetle patungong express way. Napagdesisyonan namin ni mama na takasan ang mga mamamaskong inaanak at kumain na lang ng Bulalo sa Tagaytay.

"Ma, abala pa ako sa trabaho. Wala akong oras para maghanap" Binuksan ko na lang ang radyo ng sasakyan at hindi na pinansin ang paghihimutok ni mama.

I think I'm gonna be sad
I think it's today, yeah
The girl that's driving me mad
Is going away

"Hindi ba't nagdedate kayo ni Darius? Ano, may pag-asa ba?" Napakamot na lang ako sa aking noo. Bakit ba kasi ito ang napili nyang topic.

Ako: "Ma. malinaw sa usapan namin na hindi dapat sya umasa. Dahil wala syang aasahan sa akin" Napabuntong hininga naman sya sa aking sinabi.

She's got a ticket to ride
She's got a ticket to ride
She's got a ticket to ride
But she don't care

"Konting tiis na lang-"

Mama: "Mag-aasawa ka na?" Natawa naman ako. Talagang umaasa sya?

Ako: "Hindi! Konting tiis na lang kamo at matatapos na ang restaurant mo. Magiging abala ka din" Sumibangot na lang sya sa kawalan.

She said that living with me
Is bringing her down, yeah
For she would never be free
When I was around

"Darius is a good man. Mayabang pero mas mataas ang pride ko."

Mama: "Eh bakit hindi mo pa sya sagutin?"

She's got a ticket to ride
She's got a ticket to ride
She's got a ticket to ride
But she don't care

Ako: "I'm not yet ready to fall again"

Mama: "But he's ready to catch you"

Ako: "He deserves better. And it's not me"

Mama: "Pambihirang bata ito. Gurang ka na Dianne, hindi ka bumabata"

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon