"Kailangan nandito na ang mga materials for finishes. Ilang araw na lang at patapos na ang project. I don't want to disappoint Mr. Cody" Bilin ko ko kay Darius na nakangising nakatitig lang sa akin.
"Engineer nakikinig ka ba?" Nagising naman sya sa sinabi ko saka tumango. Nahiga na ako sa kama matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Sumunod naman sya at nahiga na sa kanyang pwesto. Isang buwan na lang ang natitira at patapos na ang rest house na aming tinatayo. Malaki ito kaya nakain ang kinatitirikan noon ng ilang villa. Di magtatagal ay lilisanin na namin ang villang tinutuluyan namin at bahala na si Mr. Cody kung ano mang gagawin nya dito.
"Good night Architect" Masiglang paalam ni Darius sa akin.
Ako: "Good night" Walang gana kong bati sa kanya. Simula ng matapos ang ilang parte ang rest house ay nagsilipatan na ang ilan sa mga kasamahan namin. Pero hindi parin natitinag si Darius at ayaw lumipat ng kwarto. Kaya wala akong nagawa kundi ang tiisin na lang dahil wala rin naman akong ganang lumipat.
Kinaumagahan ay nagkita kita ang lahat para sa almusal. Ako ang nakatokang magluto ng almusal kaya magsigla na naman silang lahat. Kadalasan kasi, kung hindi hilaw, sunog ang hinahaiin ng mga kalalakihan. Maliban kay Darius na sanay sa kusina.
Masayang nagsalo salo ang lahat sa aking niluto. Ngiti ang naibigay kong pasasalamat.
Darius: "Architect, Coco ka ba?" Napatingin ako sa kanya at tumaas ang aking kilay. Natahimik naman ang mga kalalakihang kasama namin.
Ako: "Bakit?" Pinatulan ko naman ang banat nya
Darius: "Kasi, Cocoyanin ko lahat para sayo"
Nanatiling tahimik ang lahat habang iniisip kung ano mang nais nyang iparating
Ako: "Tatawa na ba kami?" Nawala ang ngiti sa kanyang mukha at natawa ang lahat sa kanya. Maging ako ay napangiti hindi dahil sa kanyang banat kung hindi dahil sa kanyang reaksyon sa aking sinabi. Umasa rin akong joke iyon pero banat pala.
Darius: "Architect naman! pick up line yun"
Pascual: "Pick up ba yun? Akala namin joke! Bwahahaha" Lalong nangliit si Darius ng dahil sa sinabi ni Pascual. Si Darius ang boss nila sa construction pero ng dahil sa akin ay naglalaho ang kanyang kayabangan.
Darius: "Shut up Pascual! Babawi ako!" Umayos naman sya ng upo at uminom ba ng tubig.
"Architect"
"Oh" Walang gana kong sagot sa kanya bago sinubo ang niluto kong pancake.
"Ito hindi na pick up line" Umubo pa sya at lalong inilapit ang upuan sa akin.
"Buti pa yung Site Development Plan mo sa blueprint may development, tayo kaya? kailan magkakaroon ng development?"
Crisostomo: "Boom! lakas mo Engineer!" Sumang-ayon ang lahat sa kanya at tuwang tuwa ang lahat. Habang ako naman ay muntik nang maibuga ang iniinom kong tubig.
Villanueva: "Sabi na nga ba eh! May mabubuong love team dito eh! Bwahahaha!" Nagkasundo sila ni Darius at nag-apir pa ang dalawa.
Napailing na lang ako sa kawalan habang pinagmamasdan ang Darius na malaki ang ngiti. Sinasabi ko na nga ba, may mahuhulog at mahuhulog.
Ako: "May sagot ako" Napatahimik at napatingin sa akin ang lahat.
"Darius" Tawag ko sa kanya.
"Yes honey?" Honey? saan naman nya napulot iyon?
"Buti pa yung lamok napapatay ko, ikaw? kailan kaya kita mapapatigil sa kahibangan mo?"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...