Chapter 46- Changes

1.1K 14 2
                                    

Nakakabaliw

Nakakabaliw ang mag-isa.

Noon sanay ako na palaging nag-iisa. Kaya kong lakbayin ang daan papunta at pauwi nang nagsosolo. Noon kaya kong kumain ng mag-isa, wala lang kasi sa akin ang mga taong nasa paligid ko na nagktataka kung bakit mag-isa lang ako. Noon kaya kong maging masaya kahit mag-isa lang ako, simpleng libangan ay mabubuhay na ako. Noon, nahahanap ko ang kapayapaan sa buhay sa pag-iisa. Tahimik ang aking utak at puso.

Pero nakakabaliw

Nakakabaliw dahil hindi na ikaw yung dating kilala mo. Hindi na ikaw ang dating kayang mag-isa sa buhay. Nasanay ka kasi na sa loob ng pitong taon ay umiikot ang buhay mo nang may kasama. Sanay ka na may kasama sa iyong paglalakbay. Sanay ka na may kasabay kang kumain at masaya kayong nagkukwentuhan. Nasanay ka na palaging may magpapasaya sayo kasi hindi mo kaya ang dagsa ng problema. Nahahanap mo ang katahimikan sa buhay kasama sya. Panatag ka at walang inaalala.

Isang linggo pa lang noong lumipad si Dylan. Isang linggo pa lang, mababaliw na ako.

Akala ko noong una ay madali lang dahil kay teknolohiya, pero kapag responsibilidad na ang kalaban mo, hindi ka na makaka-angal.

Sa unang linggo nya ay naging abala na sya sa pag-aasikaso doon. Malalaking kompanya ang nakakasalamuha nya para itayo ang bandera ng kanilang kabuhayan. Oras at lakas ang puhunan para dito. Dahil doon ay madalang ang pag-uusap namin. Abala rin ako sa trabaho ko tulad nya.

Baliktad ang mundo namin ngayon. Nagkakausap kami tuwing ako'y dilat pa ng madaling araw habang sya naman ay pauwi pa lang. Pagdating nya naman sa kanyang tinutuluyan ay bagsak na sya sa pagod at ako naman ang magbabanat ng buto.

Akon naiwan sa Pilipinas ay inaaliw na lang ang sarili sa trabaho. Good thing na masyado akong abala sa kung ano ano kaya kahit papaano ay nalilimutan ko ang taong hinahanap hanap ko.

Isang buwan ang lumipas at naging maayos ang lahat. Nasanay na sya buhay doon at naayos nya na ang oras nya. Nakakapag-usap na kami at sa wakas, nakikita ko na ang pagmumukha nya.

Ako: "Okay lang ako" Mangiyak iyak kong sagot sa kanya. Hindi na kinaya pa ng mata ko at tumulo na ang luha ko. Kung ako ay lumuluha, sya naman ay humahagulgol na.

Dylan: "Anong okay? eh umiiyak ka nga dyan" sagot nya sa akin habang sumisinghot dahil sa pag-iyak

Ako: "Kaya ko naman, namimiss lang kita"

Dylan: "Kung magpabook na kayo ako pauwi" Pinunasan ko ang luha ko saka ko sya ginawaran ng masamang tingin

Ako: "Don't you dare. Huwag mong tatakasan ang responsibilities mo dyan kung ayaw mong sakalin kita" sumibangot sya sa akin

Dylan: "I miss you so much mahal ko. I want to hug you, I want to kiss you, I want you" Napayuko na lang ako kasabay ng pag-agos na aking luha

Ako: "We can do this Dylan. We can. I miss you too"

Pinagmasdan na lang namin ang isa't isa, kahit isang buwan pa lang sya doon ay mas lalo syang pumuti. Kumakain ba sya ng kojic doon?

Naging normal na ang lahat. Halos araw araw kaming nagkikita. Ang pagkakaiba nga lang, nasa loob sya ng screen at hindi ko magawa sa kanya lahat ng ninanais ko. Minsan nga ay mukha na akong timang na hinahaplos ang screen, o di naman kaya at hinahalikan ito.

Tatlong buwan ang lumipas at nasanay ulit ako na mag-isa. Kahit napapaligiran ako ng mga katrabaho ko. Ngingiti at tatango na lang ako sa kanila.

Hindi ko alam at nagiging madalang na naman ang pag-uusap namin. Sa tuwing nakakausap ko naman sya ay parang wala sya sa sarili o di naman kaya ay pagod. Sa huling balita ko ay umuunlad ang kung ano mang inaasikaso niya doon. At ikinatutuwa ko iyon.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon