Chapter 20- Anica

1.7K 25 0
                                    

"Boom! Boom! Boom! Clap!"


Nagising ako mula sa isang mahimbing na pagkakatulog. Inabot ko ang cellphone kong nag-iingay at sinagot ito kahit hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

Ako: "Hello" walang gana kong bati

Mama: "Dianne, bumangon ka na, baka tanghaliin ka pa ng pasok"

Ako: "Ma, mamayang 10 pa naman ang pasok ko, magpapasa lang ako ng plate"

Mama: "Ah ganoon ba? eh si Dylan kamusta na?"

Ako: "Ah eh, hindi ko alam. Itetext ko na lang"

Mama: "Huh? edi ba magkasama kayo ngayon? sabi mo babantayan mo dahil walang kasama sa bahay?. Nako Dianne, pinabayaan mo na yung pasyente mo mag-isa?"

Napabangon ako sa narinig ko, nakalimutan kong may pasyente pala ako. Nagulat na lang ako na nasa kama na ako at katabi ko na si Dylan, paano ba ako napunta dito. Ang huling natatandaan ko ay gumagawa pa ako ng plate. Shakeys! hindi pa pala ako tapos.

Tumayo ako at dali daling hinanap ang sapatos ko

Mama: "Huy Dianne, ano bang nangyayari dyan?"

Ako: "Ah wala ma, hinahanap ko lang yung langgam na kumagat sa akin. Ah

Lumapit ako kay Dylan matapos kong matagpuan ang sapatos. Hinawakan ko ang noo upang malaman kung ayos na sya.

Ma, medio mainit pa sya eh. Sige na ma, ako na bahala dito"

Tuluyan na akong nagpaalam kay mama dahil nagising na ang mokong. Umupo ako sa upuang malapit sa kanya saka sya kinamusta

Ako: "Kamusta na? ano na bang nararamdaman mo?"

Humarap sya sa akin saka ngumiti. Tumitig lang sya sa akin habang hinihintay ko ang sagot nya. Mukhang hindi matino to.

Mas lumapit ako sa kanya at saka tinnanong ulit

Ako: "Dylan, Kamusta na kamo? ano ba, nawala na ba ang sense of hearing mo"

Dylan: "Good morning mahal ko!"

Ako: "Mukhang magaling ka na, sige iiwan na kita"

Aakma akong tatayo na pero pinigilan nya ako

Dylan: "Mahal ko, masakit pa ang ulo ko, mainit pa ako oh. Huwag mo muna akong iwan"

Tumayo ako at humalukipkip sa harap nya

Ako: "Paano ako napunta sa kwarto ng hindi ko nalalaman aber"

Dylan: "Binuhat kita" saka sya nagtalukbong ng kumot. Hinagis ko sa kanya lahat ng unang mapupulot ko.

Ako: "Eh toyo ka pala eh, paano ka gagaling nyan kung pinapagod mo pa ang sarili mo"

Ibinaba nya ng kaunti hanggang ilong nya ang kumot

Dylan: "Eh hindi ko namang hahayaang ubusin ka ng lamok doon. Baka ikaw pa ang magkasakit"

Nabara na naman nya ako doon. Huminga ako ng malalim saka kinuha ang palanggana sa side table na ginamit ko kagabi.

Ako: "Magluluto lang ako sa baba para maka-inom ka na ng gamot"

Pagkakuha ko ay lumabas na ako ng kwarto. Ako yata ang may sakit dahil ang init init ng pagmumukha ko. Pagkababa ko ay nagluto kaagad ako ng sopas. Yun ang huling pagkain na kaya kong lutuin. Buti na lang at mukhang supermarket ang ref nila at nandoon lahat ang kailangan ko. Habang hinihintay na maluto ay bumalik ako sa itaas para icheck siya. Tulog na naman sya.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon