"Here, try this. This is the specialty of Mama's" Walang gana kong pag-engganyo ko sa kanya na tikman ang putahe ni mama.
Tumango lang sya at tinikman ang pagkain. Katahimikan. Katahimikan ang tanging namamayani sa aming dalawa sa tanghalianan na ito. Kahit ba gaano kainingay at kasaya ang paligid. Nanatili kaming tahimik na tila ba hindi namin kilala ang isa't isa.
"How's your work with CEA" pormal nyang tanong sa akin. Tumaas naman ang kilay ko bilang pagresponde sa kanyang tanong.
Ako: "Good. Mahirap pero masaya. Lalo na kapag mahal mo yung ginagawa mo" pormal ko ding sagot sa kanya.
Dylan: "Good to hear that" Sagot nya habang abala sa paghihiwa ng kanyang ulam. Hindi na muli pa akong nagsalita. Naalala ko ang matinding babala ni mama bago ako sumalang sa hapag na ito. Alam kong nakatitig na ngayon iyon sa mga CCTV na nakatutok sa amin ngayon.
Naubos ang putaheng nasa aking plato kaya inabot ko ang isang bowl na medyo kalayuan sa akin. Ayoko namang abalahin pa sya para lang iabot ang ulam. Pilit kong inabot ang putaheng iyon ngunit nabigo akong makuha iyon ng sa sarili ko lang. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tulala sa mga kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Tinulungan nya akong iangat iyon para makuha ko na ang ulam. Hindi ko na matantya kung ilang bultahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan dahil sa kanyang ginawa. Damn
Hindi na ako nagpakita pa ng reaksyon sa pangyayaring iyon. Ayoko nang gumawa pa ng isyu lalo na kung may kinalaman sa kanya.
"You can ask help from me" Malamig nyang singhal sa akin habang ramdam na ramdam ko ang paninitig nya. Napalingon naman kaming pareho sa likuhan ng padabog na nagbukas ang pintuan ng kusina. I knew it.
"Kamusta ang pagkain Mr. Cortez?" mataray na pagtatanong ni mama sa aking kliente. Bigla na lang syang sumulpot mula sa kung saan. Sinasabi ko na nga ba. Aaksyon ito sa oras na magkadikit kami ng ex kong ito.
Dylan: "Good. I'll refer this to my friends" pormal nyang sagot sa may ari ng kainan na ito. Naupo naman si mama sa aking tabi na tila ba hindi na sya aalis doon.
Ako: "Ma, mahal yung pintuan ng kusina. Dahan dahan naman sa susunod" Bulong ko sa kanya. Dumikit pa sya sa akin at ibinulong ang kanyang sagot.
Mama: "De bale nang palitan ko. Kaysa naman magkabalikan kayo ng lalaking ito" Napangiti na lang ako sa kawalan. Natatawa na lang ako sa tuwing naaalala ko ang mga ginawa nya noon sa amin ni Dylan. Kung hindi nya tinanggap ang lalaking ito, hindi sana ako malalagay sa ganitong sitwasyon. Pero hindi ko naman sya masisisi, nasa akin naman kasi ang huling desisyon.
Dylan: "Uhmm, buti po naisipan nyong magtayo ng business like this. My mother loved too but she's busy with other stuffs" isang awkward na tanong ni Dylan kay mama.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...