"Engineer Darius. Please remind me later that I have to meet Mr. Bartolome this afternoon. By the way, nacheck mo na ba ang mga revisions sa plans for Mrs. Perez?" Casual kong tanong kay Darius na sya namang malungkot na nakatingin sa akin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa trabahong nasa harapan ko.
Darius: "O-okay. And yes, nacheck ko na. Ipapadala ko na lang mamaya yung plans sa assistant ko." Tumango tango ako at saka sya nag-alangang umalis sa opisina ko. Napatitig na lang ako sa nagsarang pintuan pagkatapos lumabas ni Darius. At muling nanaig ang katahimikang pinili ko. At habang lumilipas ang oras ay muling bumabalik sa sistema ko ang sakit.
Eto na naman ako, tumatakbo at pilit tinatalikuran ang taong minahal ko ngunit muli akong sinaktan.
Nagising ako mula sa pagmumuni muni ng biglang tumunog ang aking telepono. Walang gana kong kinuha iyon sa bag.
"Dylan Calling"
Hindi ako tumugon sa tawag na iyon at muling ibinalik ang atensyon sa trabaho. Ngunit muli na naman nya akong ginambala. At sa pangalawang pagkakataon ay hindi ulit ako tumugon.
Pinunasan ko muli ang aking mukha dahil sa mga tumatakas na luha mula sa aking mata. Nabigo na naman kasi ako dahil ipinagkatiwala ko na naman ang puso ko sa taong unang dahilan kung bakit ako nasaktan. Sinubukan ko namang pakinggan ang panig nya, sinubukan kong huwag tumakbo na lang palayo ulit. Ayoko nang pagsisihang hindi ko sya pinakinggan noon. Pero wala eh, sya na mismo ang nagtapon ng pagkakataon nya.
Those precious five moths that we had are the happiest seconds, minutes, days and weeks that I had. Naging kami ulit ni Dylan. Yes, after Steve and Anna's wedding ay nag-stay pa kami ng ilang araw sa Zambales. And after that ay hindi ko na inabala ang sarili ko na pigilin ang puso ko sa kung ano mang gusto nito.
We acted like real married couples tuwing nasa villa kami. We acted like highschool sweethearts kapag nasa trabaho. We even sneak out every midnight tuwing sabado at linggo na nagkakahiwalay kami. It looks like binuhos namin ang nasayang na taon na magkahiwalay kami sa limang buwan na iyon kahit alam namin sa isa't isa na hindi na ako aalis sa tabi nya. Na hindi ko na iiwan ang CEA.
"Dianne?" Masayang nagkukwentuhan kami ni Dylan sa isang restaurant nang isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Dylan sa akin kamay nang mapagtanto kung sino iyon. Tumayo ako at tahimik na nagmasid lang si Dylan sa amin.
Ako: "Darius" Malamig na titig ang iginawad nya sa akin.
Darius: "Can we talk" Seryoso nyang tanong. Napatingin naman ako kay Dylan na dahan dahang tumango sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
Naunang maglakad palabas si Darius ng restaurant. Kinakabahan naman akong sumunod sa kanya kahit alam kong mangyayari ang bagay na ito.
Huminto kami sa harap ng kanyang saasakyan. Naupo sya sa hood at humalukipkip sa aking harapan. Nanatiling syang nakayuko habang ako naman ay yumakap nang mabuti sa aking jacket dahil sa lamig.
"Kayo na ba? kayo na ba ulit?" Napakagat ako sa aking labi. Sabi ko kasi noon, hindi na ulit ako mahuhulog. Pero binali ko iyon.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...