Tatlong araw ang lumipas ngunit mas minabuti ko na lang na magtulog at magpalamig sa bahay.
No calls
No texts
No communication
Ang buhay ko sa loob ng tatlong araw na iyon ay parang mga panahon na hindi ko pa nakikilala si Dylan.
Katahimikan
Katahimikan
NAKAKABINGING KATAHIMIKAN
Ngayon lang ako nalungkot na magkaroon ng katahimikan sa buhay ko. Tila nasanay ako sa masaya at makulay na buhay ko.
Ngayon ay papasok na naman ako ng paaralan. Haharapin na naman ang bultong gawain dahil magfifinals na.
More sleepless nights
More coffee to take
More stuffs to do
More stress to come
And lastly, less time for my enemy
I know he hate midterms and finals. And now I know that I hate him too. Kaya ba hindi sya sumasagot sa texts and calls ay dahil abala sya sa babae nya? Nakahanap na ba sya ng ipapalit kaagad sa akin.
Napansin ni mama ang tahimik na gera namin ni Dylan. Paano ba naman kasi ay nasanay sya na may lalaking aaligid sa bahay at mangungulit sa akin. Bubulabugin ako sa pagtulog at kapag nabigo ay matutulog sa tabi ko. Makikikain sa amin ng almusal, tanghalian at hapunan na tila ba nais na nyang magpaampon. Ang dahilan kung bakit ang tahimik naming tahanan ay nagiging maingay at napapalitan ng tawanan at harutan. Lahat ng iyon ay nawala simula ng umuwi ako. Tila may nawala ring haligi sa tahanan namin.
Hindi ko kinuwento kay mama ang problemang nagaganap. Kahit na naaasar ako kay Dylan dahil sa mga inaasal nya, itinago ko parin kay mama ang nasaksihan ng mata ko dahil ayokong masira si Dylan sa kanya. May problema na yata ako sa utak.
Maaga akong umalis sa amin para pumasok. Walang Dylan na maghahatid sa akin ngayon. Kung ipahatid man nya ako, tatakasan ko na si Mang Ben.
Sumakay ako ng jeep at aaminin kong nakakamiss din pala ang sasakyang ito. Di bale nang may makita akong naglulumpungang mga highschool students sa harap ko, di bale nang may masamang amoy ang katabi ko, di bale nang hindi ako suklian ng driver, di bale nang masiksik ako kapag napuno na ang jeep.
Basta hindi ko lang maramdaman ang pag-iisa
Mas tatanggapin ko iyon kaysa sumakay sa isang mamahaling sasakyan, ngunit nag-iisa ka naman.
Pagkarating ko ay masayang nagkukwentuhan ang mga kaklase ko tungkol sa mga karanasan nila sa Tagaytay. Ako naman ay tumunganga at itinuon ang sarili sa pag-iisip.
This is the old me
Madalas tulala at kung ano ano ang iniisip. Kung nabubuhat lang ako ng mga iniisip ko, siguro ay nakarating na ako ng Paris o London.
Natahimik ang lahat ng pumasok ang babaeng nais kong balatan ng buhay. Halatang blooming sya sa araw na ito at nakangiti sya sa lahat. Karaniwan ay papasok syang nakasibangot at susungitan ang lahat. Ibang iba sya ngayon.
Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong umiwas. Baka maging bato pa ako kagad tinitigan ko sya. Parang nais ko ulit gamitin ang pepper spray na baon ko.
Nang matapos ang unang klase ay lumapit sya sa akin. Gusto ko syang sabunutan ngunit mas pinili ko na manahimik. Kulang pa ang nalalaman ko. Ayokong sumugod ulit sa gera na walang sandata.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomansaMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...