"Mahal ko" tumatawa sya pero kasunod noon ang pagtulo ng kanyang luha. Habang ang dating Dianne sa loob ko ay nagnanais na lumapit sa kanya. Tinitigan ko lang sya habang unti unti na syang nagbebrake down.
"I'm sorry. I' m sorry for choosing her over you" Mas dumami ang umaagos na luha sa kanyang mukha. Yinakap naman nya ang aso habang humahagulgol. Ano bang pinagsasasabi nito?
"I don't have any choice.. son of bitch. I'm sorry. I'm so sorry" Nagsimula naring tumulo ang aking luha. He looks like a child na humahagulgol mapatawad lang ng kalarong kanyang nasaktan.
Pinunasan ko ang aking mukha at bumangon mula sa pagkakasalampak sa sahig. Sinundan naman nya ako ng titig at binitawan na ang aso. Unti unti ay nagliwanag sa kanya na hindi lang isang ilusyon ang Dianne na kaharap nya ngayon.
"Dianne?" Kabadong tanong nya sa akin. Hinatak ko na sya patayo.
Ako: "Magpahinga ka na" Iyon na lang ang nasabi ko.
Dylan: "Dianne, listen to me first" I know his drunk pero mukhang matino parin ang pag-iisip nito. Then suddenly, I want to kill him.
Inalalayan ko sya patungo sa kanyang kwarto. Mahirap para sa akin na gawin iyon dahil una, pagod na pagod na ako. Not only physically but also emotionally. Pangalawa, ang laki laki nyang tao, at ang hirap nyang alalayan. Panghuli, kalahati ng sistema ko ay unti unti nang namamatay. Unti unti akong pinapatay ni Dylan dahil sa pagbubukas nya muli nang usapin tungkol sa nakaraan.
Ako: "Umayos ka nga ng paglalakad" Irita kong sinabi sa kanya. Halos maubos ang natitirang enerhiya ko nang maisalampak ko na sya sa kama. Bumuntong hininga ako at tinitigan sya sa huling pagkakataon.
He looks wasted, devastated, patapon at wala nang patutunguhan pa ang buhay.
Paalis na sana ako ng bigla- bigla ay hinawakan ni Dylan ang kamay ko kaya napalingon ulit ako sa kanya. Despite of being drunk, he's looking at me seriously.
"I love you" Halos pabulong niyang sabi sa akin. Halos magwala ang buo kong pagkatao nang sabihin nya ang tatlong salita na iyon. He's looking at me straight. His eyes is full of sincerity.
"Mahal parin kita" Napalunok ako. I feel a tight knot in my stomach. No, magtigil ka Dianne. This drunk man broke your heart years ago. Makikinig ka na naman ba sa mga kasinungalingan nya? papayag ka na naman ba na gamitin nya to mend his own wounds?
Kinalag ko ang pagkakahawak nya sa akin. Enough for this shits
Ako: "You know what Alexander, hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sayo" Galit kong singhal sa kanya. Napatakip naman sya ng mukha at dinig ko ang mga malalalim na hininga niya
"Kung pamimiliin kita, ako o si Anica?" Tumitig sya sa akin. Sinulit ko ang pagkakataong iyon para pagmasdan ang mukha nya sa huling pagkakataon.
Dylan: "I'm sorry Dianne"
Bumalik na naman sa utak ko ang pangyayaring iyon. Unti unti na namang gumapang ang sakit na naramdaman ko noon. Pumikit na lang ako.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomansMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...