"Mahal ko, please"
Itinakip ko sa ulo ko ang aking unan. Sa halip na masulit ko ang sembreak ay nagkukulong ako sa kwarto at pilit kong tinatakasan si Dylan. Kung noong sinupresa ko sya ay umuuwi pa sya tuwing hindi ko sya nilalabasan ng kwarto, ngayon ay hindi na. Natutulog sya sa sala at hindi man lang umuuwi sa kanila. Kung umuwi man ay kalahating oras lang mawawala tapos babalik na sa pangungulit sa akin.
Alam na ni mama ang lahat ng nangyari, ngunit hinayaan nya lang si Dylan matapos nitong magpaliwanag sa kanya. Dala narin siguro ng awa sa lalaking ito. Pero tulad ng sinabi ko, bumalik na ako sa pagiging zombie.
"Mahal ko, I'm so sorry. Nagselos lang ako. Nadala lang ako sa mga sinabi ni Anna"
Anna. Anna. Anna. Kasalanan nya lahat ng ito. Ubos na ang pasensya ko sa kanya.
Halos limang araw na na walang palya si Dylan sa panggugulo sa akin. Sa ikatlong araw ay napalabas nya rin ako dahil burong buro na ako sa kwarto. Kinukulit nya ako ngunit nagbibingi bingihan ako sa lahat. Hindi nya ako magawang hawakan dahil tinatapunan ko sya ng masasamang tingin. Mag almusal, magtanghalian at maging sa hapunan ay kasama ko sya. Salamat na lang at nananahimik sya tuwing ganoon. Tulala na nakatitig sa akin.
Mas lumala ang itsura nya ngayon. Siguro ay dahil sa puyat. But I found it attractive. Magulo ang buhok nya at tila aburido sa buhay. Ngunit hindi ko dapat pinupuri ang kalaban.
Kinabukasan ay akala ko madadatnan ko na naman sya sa sala na tulala. Ngunit iba sa pang-anim na araw.
Wala siya
Hindi ko alam pero nalungkot ako sa halip na maging masaya dahil sa pagkawala nya. Siguro ay nasanay lang ako na may gumugulo sa akin.
Tumunog ang telepono ko. May tumatawag. Kinuha ko ito ngunit pinatay ulit nang makita ko na si Dylan ang tumatawag. Lumapit sa akin si mama at ibinigay ang kanyang telepono. Kumunot naman ang aking noo sa pagtataka.
"Tita, pakisabi po kay Dianne na sagutin ang tawag ko. Emergency lang po"
Nagtext si Dylan kay mama. Ibig sabihin, wala na akong choice kundi ang sagutin ang tawag nya. Ilang segundo lang ay tumawag siya.
"Hello" malamig kong bati
Dylan: "Ma-Dianne, uhmm"
Ako: "Kung wala ka-"
Dylan: "I need your help" pag-aalinlangan nyang sinabi
Ako: "What help?"
Dylan: "Si Dustin, may sakit. He's looking for you"
Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. Si Dustin may sakit, at hindi ko sya kayang tiisin
Ako: "Sige, pupunta ako"
Dylan: "Susunduin na kita, malapit na ako sa inyo"
Aayaw sana ako ngunit agad nyang pinutol ang linya. Ilang minuto pa ay bumusina na sya kaya dali dali akong nag-ayos. Pagkalabas ko ng kwarto ay agad syang tumayo saka ako sinundan palabas. Palagi syang nakayuko tuwing nakaharap ako sa kanya ngunit sisilip naman kapag hindi ko na pinapansin.
Nang makalapit sa sasakyan ay ako na ang nagbukas ng pintuan para sa passenger's seat. Naupo ako at agad kong binaling ang atensyon ko sa labas.
Naaasar ako dahil naaalala ko parin ang pagsakay ni Anna sa sasakyang ito. Ang pag-upo nya sa pwestong ako dapat ang umuupo. Madalas ko syang nahuhuling sumusulyap sa akin sa rear mirror, ngunit agad naman akong umiiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...