Chapter 31- Predators

1.4K 22 0
                                    

"DIANNE!"

Dali daling lumapit si Dylan sa sasakyan at binuksan ang pinto. Hingal na hingal syang hinawakan ang balikat ko saka ininspeksyon kung may nangyari sa aking masama. Titig na titig sya sa akin habang nanatili naman akong tulala sa mga pangyayari. Tinulungan nya akong makalabas saka ako niyakap ng mahigpit matapos mapanatag na walang anumang galos akong natamo

Bumitiw sya sa pagkakayakap sa akin at saka ako hinarap

Dylan: "Ano bang nangyari! muntik ka nang madiskrasya. Sabi ko hintayin mo ako at tuturuan kitang magpark!" sermon nya sa akin.

Ako: "Sorry" Nagawa kong magsalita sa kabila ng pagkabigla

Bakas na bakas sa pagmumukha nya ang pag-aalala. Yumakap ulit sya sa akin ngunit sa pagkakataong ito ay mas mahigpit

Dylan: "Alam mo, okay lang kung sasakyan ko lang ang masisira eh, pero hindi. Nasaloob ka at ikaw ang inaalala ko. Sabi ko na nga ba, hindi magandang ideya ito eh"

Ako: "Eh, gusto kong matutong magdrive eh"

Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin saka huminga ng malalim

Dylan: "I know, pero please, dapat kasama ako palagi. Mababaliw ako kapag may nangyaring masama sayo"

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Mukha syang nag-aalala at the same time ay naaasar

Dylan: "Sorry ok, pumapanget ka kapag nakasibangot ka"

Napasabunot naman sya ng buhok nya. Lalo yata syang naasar. Tumawa na lang ako sa kanya saka ako lumapit ulit sa Mazdang muntik ko nang madiskrasya. Agad naman syang humarang sa pinto at umiling na para bang bawal akong lumapit doon. Napasibangot naman ako.

Ako: "Eh Dylan, kailangan kong matutong magpark. Marunong na nga akong magdrive pero di ko naman maipapark!" reklamo ko sa kanya

Dylan: "No mahal ko. Saka ka na magpark. Huwag ngayon"

Ako: "Eh" sa pagkakataong ito siguro ay mukha akong batang nagtatantrums sa harap nya. Kanina ay tinuruan nya akong magdrive at wala kaming ginawa kundi ang maglibot sa buong subdivision. Abot langit naman ang saya ko dahil ngayon ay opisyal na na marunong na akong magdrive. Ngunit dinaig nya pa ang mama ko sa paulit ulit nyang sermon sa akin na huwag sosobra sa 20mph ang takbo ng sasakyan. Gulay, at sa tuwing pumapalo na sa 50kph ang takbo ay kulang na lang ay tumalon sya sa sasakyan at kumuha ng lubid para itali na ako.

Kumunot ang noo nya na tila binabasa ang iniisip ko. Hindi ako makakapayag na hindi ko paipark ang sasakyan. Inilabas ko ito, dapat ibalik ko ito sa tamang pwesto nito.

Lumapit ako sa kanya at inilagay ang mga kamay sa kanyang balikat. Mas kumunot ang noo nya. Unti unti akong lumapit sa mukha nya at saka ko inabot ang kanyang labi para mahalikan sya. Naestatwa naman sya sa ginawa ko at unti unti ay inilagay nya ang mga kamay nya sa bewang ko. Senyales na maaari ko nang gawin ang plano ko. Inilayo ko sya sa pinto at nang magkaroon ng espasyo ay bumitaw ako ng nakangiti sa halik at saka dali daling pumasok sa loob ng sasakyan at sinara ang pinto. Nagulat naman sya sa mga nangyari saka kinatok ang bintana para pababain ako ng sasakyan. Namumula pa ang kanyang mukha.

Dylan: "Mahal ko! lumabas ka dyan! ang kulit mo!"

Ngumisi lang ako sa kanya saka pina-andar ang makina na sasakyan. Mas lalo syang nag-panic sa ginawa ko. Unti unti kong inastras ang sasakyan para makakuha ng magandang pwesto para makabwelo papasok ng garahe. Hindi ko mawari ang mukha ni Dylan na halos magwala sa labas ng sasakyan. Tila ninakawan ng sasakyan. Humarang pa sya sa harap ng sasakyan ngunit binusinahan ko lang sya para tumabi. Unti unti ay inapakan ko ang gas pedal at tinantya ang pagpasok sa garahe. Nanahimik na lang sa gilid si Dylan habang pinapanood ang ginagawa ko. At sa loob lang ng ilang segundo ay naiparada ko ng ayos ang sasakyan. Pinatay ko ang makina at abot langit ang ngiti ng bumaba ako. Sinalubong naman ako ng isang asar na Dylan habang nakahalukipkip sa gilid ng gate.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon