"Uhmm, thank you Mrs. Gorospe. We'll see each other next month. Take care!" Tumayo na si Mrs. Gorospe sa kanyang kinauupuan at nagsitayuan kaming lahat na kameeting nya. Nakipagkamay kami sa huling pagkakataon bago bumalik sa kanya kanyang upuan. Inihatid naman ni Boss ang ginang palabas ng conference room.
Di naglaon ay bumalik si Boss at hinarap kaming pareho ni Darius.
"What happened? Lovers quarrel or something?" Tanong nya sa amin. Nakakunot ang kanyang noo at tila gulong gulo na sa mga nangyayari.
Ako: "Excuse me, I have to go-"
Darius: "Me too" Nauna akong tumayo pero sumundo din sa Darius. Nagpanic naman si Boss sa aming ginawa.
Boss: "Hep hep. I'm not yet done with you guys. Go back to your seat" Napabuntong hininga kaming pareho ni Darius at saka walang ganang bumalik sa kina-uupuan.
"Anong meron? bakit hindi kayo nagkikibuan? alam nyo bang naramdaman ni Mrs. Gorospe na may mataas na pader sa pagitan nyong dalawa?" Nagtinginan kami ni Darius pero pareho din kaming nagtaray sa isa't isa.
Simula ng magkita kami sa araw na ito ay hindi na kami nagkibuan o nagpansinan man lang. Tila hindi kami magkakilala. Pinagmalaki kami ni Boss sa bagong kliente pero parang taliwas ang sinasabi nya sa aming kinikilos. We're not a team, we're strangers with some memories.
"Ano, wala bang may balak na magsalita? Come on guys, speak up. Sunday ngayon at may date pa kami ng misis ko. So malelate ako kapag hindi kayo nagsalita" Pakiusap nya sa amin. Bakit ba kasi hindi na lang nya kami pakawalan.
Darius: "Go ahead Boss. There's nothing between us"
Tumayo si Boss at hinubad ang kanyang coat. Tiningnan nya ang kanyang orasan saka nagkamot ng ulo.
"Outside the kulambo ako nito kapag nalate ako. By the way, I'll send you guys somewhere. I need a strong team for this project. Good bye!"
Tuluyan nang umalis si Boss at iniwan kaming dalawa ni Darius. Agad naman akong tumayo at iniwan doon ang inhinyero. Dali dali akong nagtungo sa opisina para kunin na ang aking mga gamit. Kailangan ko pang umuwi ng Bulacan para makapag empake.
Bumaba ako sa basement at laking pasasalamat ko lang at hindi ko nakasalubong ang Darius. Malapit na sana ako sa sasakyan ng may biglang tumakip sa aking ilong at unti unti ay nahilo ako. Hindi ko akalaing sa ganitong paraan lang pala ako mamamatay.
_________________________________________________________________________________
Nagising ako ng maalimpungatan dahil sa kamay na nakadantay sa aking bewang. Sinundan ng aking mata kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon at laking gulat ko ng isang tulog na Darius ang katabi ko. Agad kong inalis iyon at lumayo ako sa kama. Madilim ang paligid at tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag. Lumapit ako sa pinto at laking pasasalamat ko lang at bukas ito. Sinuyod ko ang buong tahanan pero wala na akong nadatnan pang ibang tao. Lumabas ako ng bahay at malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin.
Dagat
Sa Palawan kaya ito? Pero hindi. Nag-iisa lang ang bahay sa buong lugar na iyon. Kimirot ang aking ulo ng maalala ang mga nangyari. So si Darius ang kumidnap sa akin?
Dali dali akong bumalik sa bahay at sinugod si Darius na tulog parin.
"Darius! Lalaki gumising ka nga!" Nagising naman sya at tila nagulat nang makita ako.
"Ikaw ba ang kumidnap sa akin! saan mo ako dinala!" Pinagpapalo ko sya ng unan at iwas naman sya ng iwas
Darius: "Wait! hep stop it! I don't know what you're saying!"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...