"Sorry Dianne, we didn't know" paumanhin nila tita sa akin. Ang ina ni Dylan.
"Okay lang po tita. Dumaan lang po talaga ako dito pero papasok narin ako sa firm. Salamat po"
Lumabas ako ng bahay nila Dylan at nilakad ang daan palabas ng subdibisyon. Nang tuluyang makalabas ay pumara agad ako ng masasakyang bus patungong Cubao. Hindi ko na ininda kung ano mang iniisip ng tao sa akin. Sa suot ko kasi ay nagmumukha akong mayaman kaya napapaulanan ako ng tingin.
Kahit naman na arkitekto na ako, hindi naman ibig sabihin noon ay istant nang magiging mayaman ako. Ang bawat taong nagtatagumpay sa buhay ay nagsusumikap bago matamasa ang kaginhawahan sa buhay.
Umagang umaga ay tampo na ang kumain sa sistema ko. Inagahan ko pa naman ang pagpunta kaila Dylan ngunit hindi ko na pala sya maaabutan. Umalis raw ito patungong Palawan at buong akala nila ay nagpaalam ito sa akin.
Dinaig ko pa ang isang bidang babae na nagdadrama sa bus habang nakatingin sa labas ng bintana. Katawa tawa pero masakit sa damdamin. Masasamang tingin na lang ang naibato ko sa mga taong nagkakamaling tumingin sa akin. Wala ako sa pinakamatinong mood ko. Dahil wala rin sa pinakamatinong katinuan ang mahal ko na bigla na lang nawala sa sarili.
Buong maghapon ay sinubukan ko syang kontakin, ngunit wala lang akong napala. Bago ako umuwi sa aming tahanan ay dumaan muna ako sa lugar kung saan kami unang nagkakilala. Madilim na ang paligid at pawang busina na lang ng mga sasakyan ang naririnig ko.
Tulad noon, tumatayo parin ang balahibo ko tuwing napapadpad ako sa lugar na ito. Dito kasi nagsimulang magulo at magbago ang tahimik kong buhay. Sariwa parin sa kokorte ko ang mga masasayang alaala namin ni Dylan simula palang noong una hanggang sa huling punto na naranasan ko ang malambing na Dylan.
Tama ang propesor ko noon sa Phil. lit. Ang mga bagay na naaalala ay tumatatak sa isip at puso. Kaya pala ang mga formula sa calculus noon ay limot ko na, hindi ko kasi isinasa-puso.
Ilang oras pa ang lumipas ay nanahimik na ang paligid. What to do? What to do with my freaking lovelife. Seven long years, ni minsan hindi ako nakaramdam noon na mangyayari ito. Ayokong tuldukan lahat ng ito. Natatakot na akong mag-isa. Pero sa mga pinapakita nya, parang ganoon na nga ang mangyayari.
Isang linggo ang lumipas at nanahimik lang ako. Hindi ko na inabala ang sarili ko na tawagan at itext pa sya. Tutal mukhang abala sya sa pagpapahinga nya. Lunes ng pamasok ako sa opisina at tila may malaking pagbabago. Nakumpirma ko lang ang lahat ng pumasok ako.
David: "Architect, bakit ngayon ka lang?" tanong sa akin ng paranoid kong katrabaho
Ako: "Bakit? ano bang meron? hindi naman ako late ha?" Ibinaba ko lahat ng gamit ko. Nakakapagod magcommute.
David: "Galit na galit si sir Dylan! napagalitan nya halos lahat ng makasalubong nya" Napakunot naman ang noo ko. So bumalik na pala sya, hindi na ako nasasabik.
Ako: "Bakit?"
David: "Hindi mo alam? diba ikaw ang boss ng boss ng lahat?"
Hindi ko na lang sya pinansin at naupo na ako sa swivel chair ko. Anong problema ng mokong na iyon.
Sinumulan ko na ang trabaho ng biglang nanahimik ang buong paligid na kanina lang ay maingay pa. Wala ako sa mood para problemahin ang katahimikan nila.
Nagulat ako nang may pumalo ng malakas sa aking lamesa. Halos mayanig naman lahat ng kagamitan ko. Amoy pa lang nya, alam ko na kung sino sya.
"Ms. Santiago! I've been waiting for you for 30 minutes! bakit hindi ka pumanta sa office ko!" Pasigaw nyang singhal sa akin. Nanglaki ang mata ko ay tinakasan na ako ng kaluluwa ko.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...