Chapter 62- Race

1.1K 17 2
                                    

"Date tayo" Masayang pag-anyaya sa akin ni Darius. Nanglaki naman ang mata ni Assistant na nakikinig sa likod.

Okay Dianne, just a try okay?

Binitawan ko ang lapis na hawak ko at saka tumingin sa bouquet ng puting rosas na ibinigay nya.

Ako: "Okay" Nakangiti kong sagot sa kanya. Nabitawan naman ni assistant ang mga hawak nyang folder kaya napunta ang atensyon namin sa kanya. Tumingin muna ako sa orasan bago ibalik ang atensyon kay assistant.

"Assistant, you may go home early. Ako nang bahala sa mga files"

P.A: "Bu-"

Ako: "Uuwi ka or bibigyan kita ng mas maraming trabaho?" Agad naman syang tumango at nagpaalam sa amin. Natawa naman ang Darius na naghihintay sa akin.

Darius: "It seems like gusto mo akong masolo sa office mo ha. Dito na lang kaya tayo magdate?" Pang-aasar nya sa akin. Tumayo na ako at inayos ko na ang mga kagamitan ko.

Ako: "Shut up Darius, ayoko lang na maiiwan yung tao dito na nagtatrabaho tapos yung boss nya ay out of nowhere dating someone else" Mataray kong sagot sa kanya.

"Mauna ka na sa baba, susunod ako" Tumayo naman sya sa kanyang pagkakaupo at sumaludo pa sa akin. Lumabas na sya ng opisina at ako na lang ang naiwan mag-isa. Natapos na namin ang proyekto sa Palawan. At sa pangalawang proyekto ko dito ay makakasama ko na naman sila pero hindi na kailangang mamalagi sa iisang bahay. Matapos kong maayos ang gamit ko ay sumilip muna ako sa malaking bintana ng aking espasyo.

Palubog na ang araw. Sanay ganoon din ang takot sa aking kalooban. I still remember the day we both watch sunset habang nasa Palawan kami. Maganda parin ito pero hindi na tulad ng kasiyahang naramdaman ko noong pinagmasdan ko ito.

Kung nasaan ka man ngayon, sana umalis ka na sa puso ko.

Bumaba ako sa basement at bumungad sa akin ang naghihintay na Darius. Pinatunog ko na ang aking sasakyan pero agad naman syang humarang sa pintuan. Tumaas tuloy ang aking kilay.

Ako: "What?"

Darius: "Saan ka nakakita ng date na mag kahiwalay ng sasakyan?"

Ako: "Uhm, ngayon?" Kinuha nya ang bouquet sa kamay ko maging ang aking susi. Inilock nya ulit ito saka ako hinila patungo sa sasakyan nyang katabi lang ng sa akin.

"Wait, paano ako uuwi at papasok bukas kung maiiwan ang Audi ko dito?" Pinapasok na nya ako sa loob at hinintay ko naman na sya ang makapasok. Nang mapaandar na nya ang makina ay umalis na kami sa gusali.

Darius: "Ihahatid at susunduin kita honey"

Ako: "Stop calling me honey will you?" Tumawa na lang sya sa akin. Hindi na ako kumibo pagkatapos noon. Nagtungo kami sa isang mall at doon ay tinapunan kami ng mga tingin. Malalagkit na tingin ng mga babae kay Darius.

Papasok sana kami sa isang mamahaling restaurant pero hinila ko sya patungo sa Jollibee. Namimiss ko na ang shanghai nila. Wala noon sa Palawan.

Darius: "Don't tell me dyan tayo kakain?" Hindi ko sya pinansin at sinuong ko na ang Jollibee. Sumunod naman sya at naupo sa upuang kaharap ko. Halos mabali naman ang leeg ng mga nakakakita sa kanya.

Ako: "Umorder ka na" Utos ko sa kanya

Darius: "Wait, hindi ko alam"

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon