"Sir, we're done" Paalam ni Mian sa taong naghire sa kanya para ayusan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nya pang magtawag ng make up artist kung kaya ko namang ayusan ang aking sarili.
Tumayo na ako mula sa aking kina-uupuan at tiningnan ang aking sarili sa huling pagkakataon. Now, I hate parties. I hate social life. Ewan. Lumabas ako at bumungad sa akin ang isang ayos na nakapusturang Alexander. Hindi ko alam kung sya ba ang nalaglagan ng panga o ako. Dahan dahan syang tumayo mula sa sofa at saka tumayo ng ayos. Sanay naman na akong makita syang naka suit pero ibang iba sya ngayon. Dylan never fail to amaze me.
Agad kong inilayo ang mata ko sa kanyang paninitig. Sahalip ay inilipat ito sa aking telepono para magkunwaring wala lang ang presensya nya sa akin.
"Let's go, malelate pa tayo" Iyon ang nagpagising sa kanya. Nauna na syang lumabas at sumunod naman ako. Isinara ko ang pinto at hindi na nag-abala pa kung nasa kanya ang susi. Nagulat ako nang bumungad sa akin ang kanyang M4. Ang daya, so macocommute ako pauwi neto.
"Get in" Utos nya habang hawak hawak ang pintuan ng passenger seat. Napabuga na lang ako ng hangin at saka pumasok. Hobby ko na yata ang bumuntong hininga. Kasalanan mo ito Cortez.
Habang nasa byahe ay nanatili kaming tahimik. Walang kibo, walang bangayan. Mabilis naming narating ang event center kung saan gaganapin ang nasabing party. Ang alam ko lang, inihanda ito para sa kanyang tinatawag na Pagbabalik. Inayos daw ito ng CEA para sa kanya, dapat pala'y nagkunwari na lang ako na masama ang pakiramdam dahil ayokong ipagdiwang ang kanyang pagbabalik.
Pinagbuksan nya ako ng pintuan at inilahad ang kamay para tulungan akong tumayo. Binale wala ko iyon at pinilit na tumayo ng sarili ko lang. Ingat na ingat naman ako sa puting gown na suot ko. Kung sino man ang pumili nito, salamat. Hindi sya tulad ng suot na gown nang mga babaeng umattend sa event na ito. Kung ano man iyon, bahala na sila.
Hindi rin nakatakas ang kamay ko sa lalaking ito ng hawakan at ilagay nya ito sa braso nya. Aalisin ko sana ito pero huli na dahil hinila na nya ako papasok. Nawala ang masamang aura sa mukha nya at napalitan ito ng ngiti. Ngiting iginawad nya sa mga kakilalang sumasalubong sa kanya. Wala naman akong magawa kundi ang ngumiti rin sa kanila sa tuwing naliligaw ang mata nila sa akin.
"Alexander! it's been a long time! Siya na ba ang asawa mo?" Bati sa kanya ng isang matandang humarang sa amin. Oh common! ilang stop over ba ang kailangan naming daanan bago marating ang upuan. Maiisyu ako dito ng hindi oras.
Dylan: "Mr. Versosa! It's nice to see you here. By the way, this is Ar. Dianne Santiago, the Architect of C Mall" Pagmamayabang nya sa matandang ito. Ngumiti na lang ako at nakipagkamay sa kanya.
Matapos ang mahabang prosisyon ay naratin din namin ang lamesang nakalaan para sa amin. Hanggang dito ba naman ay magkasama kami?
Sa di kalayuan ay namataan ko na ang mga kasamahan ko. Maging si Boss ay hindi nakatakas sa akin. Kung maaari lang sanang tumakas sa lalaking ito, kahapon ko pa ginawa. Mapalad naman akong may nakakausap ako sa malaking table na kina-uupuan namin. Iba't ibang investors, engineers, architect at ilang kamag-anak nyang naaalala ko pa. Buti na lang at hindi nila pinapaalala ang mapait na kahapon.
Agad na nagsimula ang programa at nagsimula narin akong mainip. Ang kaninang nakaka-usap ko ay ngayong abala na sa pakikinig sa nagsasalita sa harapan. Laking pasalamat ko na lang at hindi ko binura ang larong ininstall ng aking ina. Hindi ko malaman kung tumatanda ba sya ng paurong. Ito raw kasi ang kadalasang laruin ng mga chef nya tuwing break time.
Lumabas ang titulo ng laro at lumabas na ang bolang papaakyatin ko sa pamamagitan ng pagpapadaan nito sa kakulay nito. Magbabago naman ito at ibang kulay naman ang papasukan. Nakakasampu na ako ng tumayo si Dylan at nagpalakpakan ang lahat. Binale wala ko iyon dahil ngayon lang tumataas ang score ko. Narinig ko na ang boses nya at nagsimula iyon sa pasasalamat at kung ano ano pang pabati sa mga taong tuwang tuwa na makita sya. Well except me.
![](https://img.wattpad.com/cover/29620650-288-k17477.jpg)
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...