Chapter 2- Magulo

11.7K 128 16
                                    

Date: 01, January 2015

Time: 1:20Am



No one else can feel it for you

Only you can let it in

No one else, no one else

Can speak the words on your lips

Drench yourself in words unspoken

Live your life with arms wide open

Today is where your book begins

The rest is still unwritten



Madaling araw na pero gising parin ako. Nakatunganga sa harap ng plate na ginagawa ko na ipapapasa sa pasukan.


Hindi ko malaman kung bakit ganito ang inaasal ko. Sanay na akong matulog ng umaga at tanghali na kung magising. Bampira nga daw ako wika ni ina. Ito ang buhay ng isang Archi Student meaning ang kurso ko lang naman ay ang pinakamagaling mag-pahirap ng estudyante: Ang Architecture. 


Habang ako'y nakatunganga ay nakapasak sa tenga ko ang earphone kung saan tumutugtog ang kantang unwritten na ni-download ko dahil sa story na nabasa ko sa wattpad, Ang 'Dear Future Boyfriend' ni Alesana_marie. Nakakatuwa ang storyang iyon, kakaiba talaga kapag yung Author na iyon ang gumawa, nakaka-inlove ang mga tauhan lalo na sa Fafa Red na inaangkin ko tuwing pinag-aagawan sya ng mga katklase ko. Akin lang si FAFA RED.


Bumalik lang ako sa ulirat noong natapos na ang kanta. 

Napagdesisyonan ko na itigil ang plate na ginagawa ko dahil nabubwisit ako dahil bagong taon ay nag-susunog ako ng kilay at duling na duling na sa napakaraming linya dulot ng perspective. Napakasarap ng buhay ko. Iniisip ko nga kung iba ang kursong kinuha ko, siguro nakahiga na ako ngayon tulad noong nakaraang taon kung saan 4th year student lang ako. Masarap ang buhay noon, ngayon di ko na alam. Pero dito ako dinala ng paa ko.


Sumabay pa ang magulong mensahe na umiikot sa utak ko, "Ang crush kong may mahal nang iba". Napakababaw ng dahilan para mag-mukmok ako sa crush ko na may girlfriend na. Pero ang crush ko lang namang iyon ay 9 years ko nang crush, tibay no? Crush pa ba yun kung matatatawag. 


"Hindi ko malaman kung bakit nasasaktan ka na nga, binabalik-balikan mo parin ang Facebook at Twitter account nya" Para saan? saktan ang sarili mo? para malaman kung nag break na ba sila? Kung sila pa ba? kung masaya ba sya? bakit?


Aghhhhhhhhhhh! nasabunutan ko ang sarili ko dahil naguguluhan na ko, new year na new year pero nakasibangot ako! asar.


Simula noon, palagi ko nang iniisip kung ano ang feeling ng mag-kaboyfriend, ano ang feeling ng mga babaeng may boyfriend? 


Member kasi ako ng "National Book Store Board" Kung ano iyon? simple lang. Kunin ang mga first letter upang makuha ang word na NBSB o No Boyfriend Since Birth. Iyan ang kadalasang sinasagot ko tuwing may magtatanong kung may boyfriend na daw ba ako, para sa ganong paraan ay maguluhan sila kung ano ba yung National Book Store Board at makalimutan ang tanong nila sakin.


Siguro dahil sa inggit kaya ako ganito, noon naman wala akong paki-elam basta mataas ang grade ko. Hay di ko na alam..


Magulo ang pag-iisip ko ngayon at hindi ko malaman kung anong gagawin. 

By the way, Ako nga pala si Dianne Santiago. 17 years old, nag-aaral sa Bedingfield State Universe at ang kurso ay BS Architecture, 1st year palang pero tumanda na ako ng sobra dahil sa hirap ng pag-aaral. Isa siguro yun sa mga dahilan kung bakit walang nagkakagusto sakin. Mukha akong haggard palagi, nakatayo lahat ng patay na buhok, naka-pony palagi ang buhok at nakatirintas pa. Malaki ang eyebags dulot ng pag-pupuyat. Medyo payat sa kabila ng mga kakalderong dami ng kanin na kinakain ko. Idagdag pa ang medio boyish na kilos dahil lahat na lang minana ko sa ama ko.


Sino nga naman ang magkakagusto sa ganoong klase ng babae?


Napakaraming problema na pinoproblema pero wala naman talagang problema. 


Kumuha ako ng wine sa ref para makatulog kaagad, ito ang problema, sanay kang magpuyat kaya problema ang pag-tulog. Kumuha din ako ng pastilas dahil nagugutom din ako. Noong maubos ko ang pastilas ay sabay inom ng wine, at naibuga ko ito! ang panget ng lasa!


Doon may natutunan na naman ako, huwag na huwag pag-sasamahin ang wine at pastilas, lalo kang hindi makakatulog.


Dahil masyado akong natuwa sa Dear Future Boyfriend, Gagayahin ko na lang si Kayleen. Pero hindi sa diary kundi sa utak.


Dear Future Boyfriend,


Kung nasaan lupalok ka man Future Boyfriend, Magparamdam ka naman, Masyado nang magulo ang utak ko at kailangan ko ng magpapapump sa puso ko para dumaloy ng matino ang dugo sa utak ko.




Naghihintay,

Dianne<3


=x=

____________________________________________________________________________________


BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon