Chapter 85- Live-in

1.8K 21 3
                                    

"Alexander! Umayos ka nga! daig mo pa ang lasing!" Galit kong singhal kay Dylan na oa kung
maka-akbay sa akin. Inaalalayan ko sya papasok sa kanyang kwarto. Hindi ko talaga malaman
kung lasing ba sya o totoong nahihilo. Nagagawa pa kasing lumandi.

Marahan ko syang binitawan ng marating na namin ang kama. Buti na kang at tinulungan nya ang
sarili nyang mahiga.

Gabi na at katatapos lang naming maghapunan. Sa wakas at patapos narin ang duty ko sa taong
ito.

"Mahal ko, dito ka na lang matulog" Hilo nyang paki-usap sa akin. Inayos ko naman ang
paglalagay ng kumot sa kanya.

Ako: "May sarili akong unit. Kaya mo na yan, magaling ka na bukas for sure" Malamig kong
singhal sa kanya.

Hindi na sya umangal pa at natulog na lang ulit. Bukas ay hindi ko na sya babalikan. Mas
mahalaga ang trabaho ko kahit sya pa ang nagpapasweldo sa akin.

Alas-otso na ng lumabas ako ng unit ni Dylan. Nanglamig naman ako ng nadatnan ko ang Darius
na nakatayo sa harapan ng unit ko habang may tinitipa sa kanyang telepono.

Dahan dahan kong isinara ang pintuan at unti unti ring lumingon sa akin si Darius.

Ngiti ang ibinungad nya pero agad iyong nagbago ng mapagtanto nya kung saan ako galing.
Malamig na titig, nakakunot na noo at kakaibang aura ang ipinapakita nya sa akin ngayon.

"D-Darius" kinakabahang bati ko sa kanya. Agad naman akong lumayo sa pintuan at inilabas na
ang card ng unit. Binuksan ko ang pintuan at sumunod naman sya sa akin.

"Gabi na ah, pano mo nalamang nandito ako" Dumuretso ako sa kusina para maghanda ng pagkain para sa kanya. Naupo naman sya sa dining table.

Darius: "Ikaw, anong ginagawa mo sa ibang unit? gabi na ah?" Malamig na tanong nya sa akin.
Pakiramdam ko naman ay nahuli ako ng asawa ko na galing ako sa ibang unit.

Hindi alam ni Darius na kapit bahay ko lang ang karibal nya.

Ako: "Uhmm, nakipagkwentuhan lang sa kaibigan ko sa kabila" Inabala ko ang sarili ko sa
paghahanda ng hot chocolate para sa kanya. Alam kong masyadong mababaw ang idinahilan ko
dahil alam nyang taong bahay ako at kayang mabuhay ng hindi nakikihalubilo sa kapitbahay.

Darius: "So, hindi ka pumasok para lang makipag-kwentuhan sa kapit bahay mo?" Tumayo ang
balahibo ko. Pakiramdam ko talaga'y pagagalitan ako ng principal.

Ako: "Ah eh nagpaalam ako kay Boss na bukas na ako papasok" Inilapag ko sa harapan nya ng
basong naglalaman ng hot chocolate. Kumunot lang ang noo nya sa akin. Agad kong iniwas ang
mata ko sa paninitig nya.

Darius: "For what?" Naubos na ang pagtitimpi ko at hinarap ko na sya.

Ako: "Darius, what's wrong with you? kailan ka pa naging agent ng NBI?" Tumalikod na lang ulit
ako, pagod na akong makipagbangayan. Kay Dylan pa lang, ubos na ubos na ako.

Hindi na sya sumagot at tahimik na lang na ininom ang hot chocolate. Ilang minuto pa ay naupo
na ako sa upuang kaharap nya.

Darius: "Sorry" Malungkot nyang paghingi ng tawad.

"Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot, so I assumed na nasa site ka and busy doing stuffs.
Kaya pumunta na ako doon, pero wala ka."
Agad naman akong ginapangan ng konsensya. Sasabihin ko na ba ang totoo or what?

Napalingon naman kaming pareho ni Darius sa pintuan ng may nagdoorbell. Siya ang naunang
tumayo at sumunod na lang ako. Nang magbukas ang pintuan ay ang kapitbahay kong kadaldalan
ang bumungad.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon