Chapter 71- Mama's

1.3K 22 5
                                    

"Honey, bakit hindi ka nag-grocery? Paubos na ang stock mo" Sermon sa akin ni Darius habang kumakain kami. Nanatili namang tahimik si Dylan na kaharap ko.

Ako: "I'm busy kaya hindi ko na naasikaso. Ngayon ko lang kasi pinabalik si manang kaya hindi nya rin naasikaso." Sagot ko sabay higop ng sabaw ng nilagang niluto nya. Dylan must remember something with this food.

Darius: "Buti na lang at nabisita ako. Mamamatay ka pala ng wala ako" Napangiti na lang ako sa sinabi nya. Ang lakas talaga ng hangin nito.

Nagbiruan pa kami ni Darius na para bang walang third wheel na nakikisalo sa amin. Napansin lang namin sya ng padabog na ibinaba ni Dylan ang kanyang baso. Namayani ang katahimikan sa lamesa.

Dylan: "Excuse me. I have to go." Tumayo na sya at nagtitigan na lang kami ni Darius.

Darius: "Ihahatid ko na sya" Sumunod naman sa pagtayo si Darius at mahigpit na hinawakan ang balikat ko. Lumapit ang kanyang bibig sa aking tenga at may ibinulong.

"Stay here" Maotoridad nyang utos. Sumunod naman ako at pinagmasdan na lang ang paglayo nilang pareho. Dureduretso lang si Dylan sa paglabas na tila ba nakalimutan na nya kung paano magpasalamat sa pagtanggap ko sa kanya sa pamamahay na ito. But I don't care.

Ilang minuto lang ay narinig ko na ang pagputok ng tambutso ng isang sasakyan. Pamilyar iyon. Tulad ng karaniwang naririnig ko sa racing circuit tuwing nagpapalakasan ng tunog ang mga kalahok. Di naglaon ay bumalik na si Darius na nakangisi. I knew it,nagtagumpay sya sa plano nya.

Ako: "Ano na naman yang ngiti na yan?" Irita kong tanong sa kanya.

Darius: "Akala nya siguro ganoon ka nya kadaling mababawi" Mayabang nyang sagot sa akin. Ngayon lang yata sya muli naging ganito kayabang.

Ako: "Drop that thing. There's no more Dylan and Dianne. Wala na dapat syang asahan. Letche sya"

Darius: "So, it means ako na?" Tumaas baba pa ang kanyang kilay.

Ako: "Sabi ko wala nang kami, hindi merong tayo" At kung gaano katas ang lipad nya kanina, ganoon din kalalim ang kanyang ibinagsak sa aking sinabi.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon