Chapter 52- Home

1.2K 18 0
                                    

"Dianne, stop it. naubos mo na lahat ng inumin dito. Don't tell me sa kabilang bar naman tayo susunod na pupunta?" Maingay na bulalas sa akin ni Israel.

"Manahimik ka ngang bakla ka" wala sa sarili kong saway sa kanya. Sana' y malunod na lang ako sa kakainom ng kung ano anong nakakalasing. Nang sa gayon ay matakasan ko na ang buhay kong ito.

Israel: "Alam mo girl. Sa halip na nagmumukmok ka dito, bakit hindi mo na lang i-enjoy ang buhay. Yayamanin ka na, maganda ka pa. Huwag mong sayangin ang lahat ng pinaghirapan mo ng dahil sa nakaraan"

Napasabunot ako sa aking buhok. I'm single, devastated and wasted. Hindi ko na alam ang gagawin ko pa sa buhay ko. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napagdesisyonan ko nang bumalik kaagad sa London. Mas nakakamatay ang makita sya kaysa sa mga usok sa Edsa.

Ako: "I don't know Israel. Ikaw nang bahala sa buhay ko" sabay lagok ng isang shot ng tequila. Inigaw nya sa akin ang aking baso saka inilayo lahat ng inumin sa harapan ko. Kasing gulo ng lugar ang utak ko.

Israel: "Ano ba girl! Si Darna ako, hindi si Batman!" Natawa ako sa sinabi nya pero kasabay noon ang aking pagluha. Kailangan ko nang tanggapin sa sarili ko na wala na talaga. Mag-iisa na lang ako sa buhay.

Pagkatapos ng gabing iyon ay bumalik ako sa pagiging bato. Trabaho sa umaga't gabi. Matutulog ng walang nararamdaman at magigising tuwing madaling araw ng hindi alam ang dahilan. Mas masakit palang makita mo sila ng aktwal kaysa noong nakipag break si Dylan sa akin. Akala ko ang isa't kalahating taon ng pagtakas ay sapat na para mag move on. Ngunit wala akong kaalam alam na hindi ko pa pala ginagawa iyon. Dahil ayaw ko pang bitawan si Dylan.

"You know Dianne, bagay sayo ang maging ina. Bakit hindi ka pa mag-asawa. Tutal you're single" Suhestiyon ni Zach habang nanonood sa amin ni Diana. Masayang masaya akong nakikipaglaro sa kanya.

Linggo nang magkita kami si Zach sa bakeshop kasama ang kanyang anak. Natawa ako ng makita ko syang nagmumukhang Christmas tree dahil sa dami ng nakasabit sa kanyang gamit. Wala si Angel kaya hirap na hirap sya.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon