Date: 23, January 20**
Time: 10:35Am
"Folks! Meet the CEO of Cortez Engineers and Architects, your client for the C Mall and my handsome niece, Engineer Alexander Cortez"
Nagtuma ang aming mga mata at kasabay noon ang pagbalik ng mga alaala sa akin. Mga pangyayaring hindi ko maalala at gumulo sa akin noong mga nakalipas na taon. Ang lalaking nakasayaw ko noon sa London, ang lalaking inaakala kong nagpapanggap lang na sya dahil sa aking kalasingan, ang lalaking nagpahanga sa akin noong sa racing circuit, ang lalaking sinundan ko ng walang dahilan, at ang lalaking yumakap sa akin noon na hanggang ngayon ay hinahanap hanap ko. Those brown eyes clear my mind. At the same time broke my heart for the nth time.
Nagsitayuan ang lahat sa aking paligid. Masaya silang nakipagkamay sa lalaking iyon. Tila ba galak na galak silang makilala ang nagmamay-ari ng kumpayang pinapasukan nila.
Malaki ang pinagbago nya, he's now a mature man. Man that can capture the hearts of every girl. He's now taller, mas maganda at malaki ang pangangatawan. Tila nabura sa mukha nya ang pagiging immature nya noon at napalitan ito ng isang seryosong mukha. But he still got those deep eyes that I loved, that pointed nose, kissable lips and a perfect jaw. Pero napapalibutan na ito ng maliliit na facial hair.
His mother was right, mas gwapo sya kaysa sa kanyang ama. I just have to wait.
Natapos silang lahat at bumalik na sa kanilang mga pwesto, but I'm still stock in my chair. Napasin ni Boss ang paggiging tahimik ko.
"Alexander, meet Ms. Dianne Santiago. Your Architect" Maligayang pagpapakilala ni Boss sa akin sa CEO.
"Architect, okay ka lang ba?" Bulong ng isang kasamahan ko na syang nagpagising sa akin. Dahan dahan akong tumayo ay lumakad patungo sa kanyang pwesto. Huminga ako ng malalim at pinilit na maging normal ang aking sistema.
Magkaharap na kami ngayong dalawa. For five years, ngayon ko lang ulit sya nakaharap ng ganito kalapit, habang nasa katinuan ako. Inilahad nya ang kanyang kamay sa harap ko at bumagsak doon ang aking mata. Gusto ko syang sapakin pero hindi ko magawa. Nag-alinlangan pa ako sa una kung tatangapin ko ba iyon o hindi, pero masyadong madaya ang tadhana at hindi ako pinakawalan. Unti unti kong inangat ang kamay ko at hinawakan ang kanyang kamay. Sa unang pagdapo pa lang ay milyo-milyong kuryete na ang dumaloy sa katawan ko.
"Good morning Architect" Walang pag-aalinlangan nyang bati sa akin. Tumango na lang ako at binitawan ko na ang kanyang kamay. Hindi ko kayang tagalan iyon. Dali dali akong bumalik sa pwesto ko. Gusto ko nang umalis sa sitwasyon na ito ngayon pa lang. Gustong gusto ko na.
Naupo sya sa swivel chair na kaharap ko lang, habang namagitan naman si Boss sa aming lahat. Pilit kong tumatakas sa mga mata nyang nakapako sa akin, hindi ko akalain na sa hinaba haba ng panahon ay nasa puso ko parin sya. Damn.
"Ayos ka lang ba Architect? namumutla ka yata?" Nag-aalalang tanong ni Boss sa akin.
Ako: "Okay lang ako Boss, please proceed" Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalaro ng ballpen na hawak ko. Kahit daldal ng daldal si Boss sa aking harapan ay wala akong maintindihan. Masyadong magulo ang utak ko.
Sa loob ng dalawang taon ay hindi ko nakilala ang CEO ng kunpayang ito. Ni hindi malinaw sa akin ang ibig sabihin ng CEA. May alam kaya si Zach na si Dylan ang may ari ng kumpayang ito? Alam kaya ni Boss na may nakaraan kami ng kanyang pamangkin?
Lumipad sa kung saan ang aking utak sa kakaisip kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito. Alam kaya ni Darius na ang karibal nya ang pinagseserbisyohan nya ng trabaho.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...