Chapter 28- Completely

1.1K 23 2
                                    

KRING KRING KRING KRING KRING KRING KRING KRING KRING KRING

Nagising ako dahil sa ingay ng isang telepono na nasa side table ko. Kinuha ko ito at nanglaki ang mata ko. Napaupo ako at ininspeksyong mabuti ang telepono. Pinatay ko muna ang alarm dahil sa sobrang ingay nito. Siguro ay kay Zach ito. Pero wala na sya sa kama nya.

Siguro ay sa kanya nga. Litrato naming dalawa ang wallpaper. Bumangon ako at hinanap si Zach sa buong kwarto. Wala siya. At napansin ko ring wala na ang gamit nya. Lagot! iniwan nya akong mag-isa? wala akong pangbayad!

Napansin kong may papel na nasa side table ko. Pero hindi ko ito napansin kanina. Binasa ko ito at mas lalo akong naguluhan. Nagsimula narin akong kabahan. Hindi ko alam kung paano bumalik ng Bulacan mula sa Zambales.

Dianne,

Please watch the video on the phone.

Zach

Binuksan ko ang phone at hinanap ang nag-iisang video na laman nito. Bumungad sa akin ang Zach na handa ng umalis. Kinuhanan ito sa balcony. Medyo madilim pa, siguro ay kaninang madaling araw ito

"Good morning!" Nakangiti nyang sinabi

"I'm sorry if I need to leave you without saying goodbye." Napahinto sya at umuko. Tila pinipigilan ang sarili sa pag-iyak

"Mamayang gabi na kasi ang flight ko at baka mag-back out nanaman ako kapag nag-paalam pa ako." Umiiling iling sya habang tumatawa. Nakawala rin ang luha nya.

"Like what I've told you, ako nang bahala sa lahat ng kailangan mo. Don't worry about the bills, bayad na yan hanggang bukas. Kahit anong kainin mo, bayad na. At kung paano ka uuwi? may susundo sayo." Tumitig sya sa lente ng kamera. Nasilayan ko na naman ang namumula nyang mata.

"Hindi sa iniwan kita dyan, gigisingin na sana kita pero naramdaman kong gusto mo pang mag-istay sa resort. I see it in your eyes." Ngumiti sya noong sinabi nya iyon. Ang gulo gulo ng emosyon nya. di ko malaman kung natutuwa ba sya o nalulungkot ne ewan.

"Sa mga oras na to siguro ay malapit na ako sa Bulacan. Duduretso ako kay Tita at magpapaliwanag. Hindi mo na kailangang mamublema. I'll fix everything"

Matagal syang nanahimik. Nakayuko lang sya habang pinaglalaruan ang susi sa kamay. Tumingan sya ulit sa lente ng telepono.

"Dianne, palagi lang ako nandito para sayo. One call at kahit nasa London pa ako, uuwi ako para sayo. At itong Iphone, it is my thank you gift para sayo, sa pagsama mo saakin. Huwag mong isipin na kailangan mong bayaran sakin to at iba pang binigay ko sayo. Please, don't step on my ego. Yun na lang ang meron ako"

"Dianne, let me say this. Kahit dito lang. For the last time I guess? Hahaha"

"Always take care. At sa oras na sinaktan ka ng immature na iyon, isumbong mo sa akin. Akong bahala sayo" Ngumiti sya pero napalitan parin iyon ng lungkot.





"I love you"





Hanggang sa dumilim na ang paligid at natapos ang video. Hindi ko naman mapigilang umiyak dahil doon. Napaka-pait naman ng umagang ito. Kahit kailan talaga ay napakagalante ng taong ito. Nagka-iphone ako ng hindi oras. Tsk.

Nag-ayos ako ng sarili saka bumaba para kumain. Ngayong araw na ito. Mag-isa akong kakain, mag-isa akong maglilibot at maglalaro. Naupo ako sa pangpang at doon ko dinama ang malakas na hangin. Ito na yun, ang katahimikang hinahanap ko. Bingay nya sa akin iyon.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon