Hindi ko na ikukwento ang mga pangyayari sa aking buhay. Paulit ulit lang naman ito. Walang pagbabago kahit magbago pa ang taon.
Patuloy parin ako sa pagpupuyat na syang kinasanayan. Doon ko napatunayan na kahit madaling araw na o tumapat man ang oras sa alas-3 ay walang nagpaparamdam sa bahay namin. Kahit mag-brownout man ay tuloy sa pag-gawa, kahit feeling mo eh may nakatingin sayo.
Hindi ko alam kung bakit mas sinisipag akong gumawa kapag late na at tumutunganga na lang kapag may araw pa. Ewan, adik yata ako, hindi lang ako na informed.
Dumating ang pasukan na syang ayaw ko sa lahat. Nakapagpahinga naman ako kahit papaano pero mas inuna ko parin magbasa ng wattpad. Sa pamamagitan kasi nito, nakakalimutan ko lahat ng gumugulo sa utak ko. Mas masarap pumasok sa mundo ng iba kung saan di mo kailangan problemahin ang magulo mong mundo.
Dumaan ang napakaraming araw at dumating ang midterm exams, Napakabilis yata ng pagfast forward ko.
Kapag sinabing midterm exam, puyatan, madugo, patayan! hahaha. Nakakaloka kahit midterm lang. Kahit ang mga minor subject ay nangunguna sa pagpapahirap. Ano bang problema nyo sa buhay ha?
At sa midterm palang ito mababago ang buhay ko.....
=x=
____________________________________________________________________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/29620650-288-k17477.jpg)
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...