Nagising ako mula sa isang mahimbing na pagkakatulog dahil sa mga ingay na nanggagaling sa labas ng aking kwarto. Kinuha ko ang aking telepono upang tingnan kung anong oras na
1:30 pm
Ibinaba ko sa gilid ang telepono at walang ganang bumangon. Nalagpasan ko na si almusal at tanghalian, kaya nagwawala narin ang aking tiyan. Mukha akong aswang dahil sabog ang aking kulot na buhok. Wala na akong pakielam kung ano man ang itsura ko, bakasyon ngayon kaya malaya akong tanghaliin ng gising, magmukhang baliw at ang pinakamasaya sa lahat: malaya mula sa mga plates na pinakamamahal ko.
Nakapikit akong lumabas ng aking kwarto pero napatigil ako sa paglalakad ng may mabunggo akong matigas na bagay na kaamoy ni Dylan. Nanglaki ang mata ko sa mga nasilayan ko noong dumilat ako. Sana hindi na lang ako dumilat para hindi ko na lang nakita ang bagay na nagpamula ng sobra sa aking mukha. Nadatnan kong may hawak na pang-agiw si Dylan at may inaabot sa kisame ng bahay . Nakahubad at tanging pantalon na itim at sapatos lamang ang suot. Kitang kita kong nag-uunahan sa pag-agos ang kanyang pawis mula sa kanyang katawan na lalong nagpaganda sa kanyang abs. Gulay. Tapos na ang almusal ko.
"Good Afternoon Mahal ko!!! ang tagal mo namang gumising!" bati nya sa akin
Hindi naman ako nakasagot kaagad at napasandal na lang ako sa pintuan ng aking kwarto dahil sa gulat. Mas nagulat naman ako ng pumasok ng bahay ang isa pang nakahubad na lalaki na masama ang tingin kay Dylan. May hawak syang walis at mukhang hingal na hingal dahil sa pagtakbo. Bumaling sya sa akin at nakita kong umaliwalas ang kanyang aura.
"Good afternoon Dianne!" bati ni Zach na papalapit sa akin ngunit hinarangan ito ng pang-agiw ni Dylan.
Dylan: "Hep hep hep, diyan ka lang Unggoy"
Pinalo naman ng walis ni Zach ang pang-agiw ni Dylan at bumalik ang pagkairita nito
Zach: "Hoy Cortez! kanina ka pa ha!"
Dylan: "Ikaw kasi, epal ka! ano ba kasing ginagawa mo dito?" itinutok ni Dylan kay Zach ang kanyang pang-agiw
Zach: "Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" pinalo nya ulit ng walis ang pang-agiw ni Dylan.
Naramdaman ko ang tensyon na namumuo sa kanilang dalawa. Hindi magawang makalapit ni Zach dahil sa mahabang pang-agiw na hawak ni Dylan. Ang tangi na lang nagawa ni Zach ay tapunan ito ng masasamang tingin.
Dahan dahan kong inabot ang door knob at saka ito binuksan. Dali dali akong pumasok at inilock ang pinto. Napatakbo ako sa aking damitan at kumuha upang makaligo. Nakakahiya ang aking pagmumukha. Ngayon, napagtanto ko na hindi na ako malayang magmukhang baliw dahil nakakahiya sa dalawang mokong na naglalaban sa labas.
Narinig kong kumakatok si Dylan sa pinto pero patuloy parin ako sa ginagawa ako
Dylan: "MAHAL KO! SORRY NA! HINDI NA KAMI MAG-AAWAY, LUMABAS KA NA DIYAN"
Zach: "Ikaw kasi eh, napaka immature mo!"
Dylan: "Manahimik ka nga, baka marinig ka ng mahal ko! Anong immature!"
Zach: "Anong mahal mo?! Isip bata!"
Dylan: "Totoo naman ah! epal ka sa love story namin! isip gurang!"
Lumalala ang palitan nila ng salita, hindi na raw sila mag-aaway pero dinaig pa nila ang mga batang nag-aagawan sa bola.
Hindi ko na lang sila pinansin at tinapos ko na ang pag-aayos sa aking sarili. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto at tuluyang lumabas. Nadatnan ko silang nakaupo na sa sala at malayo ang agwat sa isa't isa. Pareho na silang nakadamit at parehong basa ang buhok dahil sa pawis. Malamig ko silang tiningnan at saka humalukipkip sa kanilang harapan.

BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...