"Welcome to CEA Architect Santiago"
Maligayang bati sa akin ni Mr. Gozon. Tinanggap ko ang kanyang kamay upang makipagkamay. Bagong buhay ang sumalubong sa aking pag-uwi. Marami nang nagbago sa Pilipinas.
Lumabas ako ng conference room para magtungo na sa aking opisina. Hindi ko alam kung bakit pero ganoon na kaagad ang inilaan nilang espasyo para sa akin. Ang buong akala ko kasi ay kailagan ko pang makihalubilo sa ibang tao dahil cubicle type ang madadatnan ko.
Namangha ako sa ganda ng interior. May laki siguro itong 4 by 5 na metro. Malaki para sa isang Arkitekto na magsisimula pa lang. Ibinaba ko ang aking gamit at saka naupo sa isang puting swivel chair. Pinagmasdan ko ang opisina. Saktong sakto ang thema sa aking panlasa.
Napaupo naman ako ng may pumasok na isang babae. Sa tantya ko ay mas bata ito sa akin. Nakacorporate attire ito at mahinhin kung kumilos. Parang inabot yata sya ng isang minuto sa paglalakad kahit ilang metro lang ang layo ng pintuan sa akin.
"Good morning po!" bati nya sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at nag-aabang ng kung ano mang sasabihin nya. Hindi na ako marunong ngumiti.
"I'm Anica Villanueva. I'll be your personal assistant" nakangiti syang bumati sa akin saka inilahad ang kanyang kamay. Napatingin ako doon. Anica huh
Ako: "Bakit may P.A ako? lahat ba ng arkitekto't inhinyero dito ay may P.A?" Mataray kong tanong sa kanya. Tumayo ako at saka ko binale wala ang kanyang kamay na nakalahad. Nagtungo ako sa harap ng isang malaking salamin saka tinanaw ang magandang syudad ng Makati
P.A: "Ah, Ma-am. Hindi po. Ako lang po ang inatasan ni Boss na maging P.A nyo." Kumunot ang aking noo. Wala iyon sa kontrata
Ako: "Why? Ang usapan namin, hindi ako mamamalagi sa opisina. I want to be in sites" Medyo pagalit ko nang tanong. Humarap ako sa kanya at bakas ang panginginig nya dahil sa takot sa akin. Malas mo lang at kapangalan mo sya.
P.A: "Uhmm, maam. Boss said that you need assist-"
Ako: "I don't need assistant!" Pasigaw ko nang tanong sa kanya. Naglakad ako pabalik sa aking lamesa saka naupo. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong maging tao kahit papaano.
"Please tell Boss that I need to talk to him. Now." kalmado kong utos sa kanya. Umiiyak na kasi sya. Psssh, hindi ka magtatagal sa industriya kung mahina ka.
Agad naman syang lumabas ng opisina. Habang ako naman ay naiwang tulala at naninibago. Kahit na inireto lang ako ni Zach dito, hindi ko parin maalis sa sistema ko ang pagiging boss. Nasanay ako na tama ang lahat. Nasusunod ang plano ayon sa nais ko. Kung paalisin man ako dito, okay lang. There's always a time to look for another firm.
Ilang minuto pa ang bumalik na si Ani- Assistant kasama si Boss. Si Mr. Gozon.
Lumapit sa akin si Boss at saka naupo sa upuang nasa tabi ng table.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomansaMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...