Chapter 39- Tinted

1K 19 2
                                    

"I miss you so much" basag na ang boses nya dahil sa kanyang pag-iyak

"Sorry kung napangunahan ako ng takot. I don't wanna be left again.

Pain

Pain consumes me

And I.." Hindi na nya naituloy pa ang sasabihin nya

Pumikit ako dahil hindi ko kayang makita na umiiyak sya. Kahit alam kong iyakin sya, ayoko parin na makitang nasasaktan sya ng ganito.

"She left me without saying any single word, without any clue that she will do that to me. I loved her more than anything else but still, she left for another man. Anna called me the night that Nick surprises you. She told me that you are happy with Nick, she even send photos of you and that monkey together. Damn, slowly I'm dying again.

Maybe you're right, I just need to learn how to trust you. You're always right..

I'm so sorry Mahal ko, I'm so sorry..

Yung nakita mo na nakasandal si Anna sa balikat ko, itinulak ko sya palayo noon. Kahit na kung ano ano na pinagsasasabi nya tungkol sa inyo ni Nick, hindi ko magagawang ipagpalit ka kaagad. Palagi syang sumusulpot at kinukulit ako na sunduin at ihatid sya, wala naman akong magawa dahil isa sya sa mga bestfriend ko. For me, hanggang doon na lang iyon, pero iba pala ang dating noon sa kanya.

Kahit gusto kong kausapin ka, kahit gusto kong lapitan at yakapin ka. Hindi ko ginawa, dahil natatakot ako na baka sa oras na gawin ko iyon ay sabihin mo na sa akin na hindi mo na ako mahal. At kasalanan ko lahat kung bakit nahihirapan ako ngayon. Hindi kita pinagkatiwalaan. Mas inuna ko ang takot kaysa magtiwala sa taong mahal ko

I'm so sorry"

Huminga sya ng malamim saka tumayo mula sa pagkakaluhod para halikan ako sa noo. Tumigil muna sya ng ilang segundo saka niluwagan ang pagkakahawak sa akin. Ngunit bago pa nya pakawalan ito ay hinawakan ko na sya ng mahigpit. Naramdaman ko ang pagkabigla nya sa ginawa ko. Hindi ako dumilat pero ramdam na ramdam ko ang pagkataranta nya.

"Good night Dylan" Bati ko sa kanya ng hindi man lang dumidilat.

Niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kanya saka ako tuluyang kumawala. Yinakap ko ang unang katabi ko saka ko itinuloy ang mahimbing na pagtulog.

"Good night mahal ko"

Kinabukasan ay maaga akong bumangon para makapagluto ng mga pagkaing madaling lutuin. Dinatnan kong natutulog si Dylan sa tabi ni Dustin. Payapang payapang natutulog si Dustin at ang sarap lamukusin ng kanyang pisngi.

Pagkababa ko ay nadatnan ko ang yaya nila na naglilinis. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din sya sa akin. Sinimulan ko na ang pagpiprito ng ham at hotdog. Walang itlog dahil maluluto ko lang iyon na kasama ang balat. Kasabay naman ng pagpiprito ang pagsasaing. Nagulat ako ng sumulpot sa likod ko si Dylan. Ganoon parin ang aura nya. Hindi sya ngumingiti dahil nahihiya parin sya sa akin. Humarap ako sa kanya at biglang nagkagulo na naman ang mga paru paro sa tiyan ko. Gulo gulo pa ang buhok nya at nagkukusot pa sya ng mata. And I found it very very attractive.

Dylan: "Ah, hinahanap ka ni Dustin. Ako na magtutuloy nyan"

Tumango ako sa kanya at inabot ko na sa kanya ang tong. Hinubad ko narin ang apron at kinuha naman nya ito. Lumapit na sya sa kawali at binaligtad kung ano man ang pwede nang galawin. Lumapit ako sa likod nya at saka ko sya yinakap mula sa likod. Miss na miss ko ang kanyang mabangong amoy, ang kanyang malapad na likod at ang kanyang mga pandesal. Gulay, nakahithit siguro ako ng kung ano.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon