Chapter 77- Pancit Canton

1.2K 21 2
                                    


"Bakit gising ka pa?" Ibinaba ko ang telepono kong hawak saka naupo ng tuwid. Inabot ko naman ang baso ng tubig saka uminom ng marami. Mamamatay ako ng hindi oras kung palagi nya akong gugulatin.

"I'm hungry" Walang gana kong sagot sa kanya. Dumureto naman sya sa lalagyanan ng baso bago lumapit sa akin para magsalin ng tubig. Ayoko nang tanungin sya kung bakit gising pa sya. Last time I've checked, we're enemies

Dylan: "Huwag ka na kasing mahiyang kumain ng marami kapag kasama ako. Alam ko naman kung gaano ka katakaw" Panunukso nya sa akin. Humigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa kutsara.

Ako: "Naaalala mo pa pala" Singhal ko ng hindi tumitingin sa kanya. Inilagay na nya sa lababo ang baso saka nilisan ang kusina. Huminto muna sya sa aking likuran na para bang may nakalimutan syang sabihin.

Dylan: "Of course, I still remember every inch of you" Bulong nya sa aking tenga. Tumayo naman ang aking balahibo. Fuck Cortez!

Naiwan akong tulala sa kusina. Nakatitig sa kawalan habang paulit ulit na nagpeplay ang sinabi nya sa aking tenga. Paano kaya ako makakatulog nito. Tinapos ko na ang pagkain at muling bumalik sa kwarto na buo na ang desisyon. Hinding hindi na muli ako kakain sa kusina tuwing dis oras ng gabi.

Kinabukasan ay ingay ang umalingawngaw sa villa. Kinakalabog ni Dylan ang aking pintuan. Walang gana naman akong bumangon para pagbuksan sya ng pinto. Tulad ng kahapon, nakakaliit parin ng pagkatao ang presensya nya. Umiwas naman sya ng tingin sa akin saka pumamewang sa aking harapan.

Dylan: "Hindi ka parin ayos?! We're late!" Pagalit nyang singhal sa akin. Napatingin naman ako sa wall clock sa pader at doon nagising ang buong pagkatao ko. Kasalanan mo ito Cortez!

Ako: "Mauna ka na" Iyon na lang ang naisagot ko. 8:30 na ng umaga. Kahapon ay 7:30 kami umalis. Kung hinintay nya ako, ibig sabihin noon ay isang oras na syang nagwawala sa aking pintuan.

Dylan: "What! I waited for you!" Nagtatantrums na sya. Bahala ka sa buhay mo. Hindi mo ako pinatulog kagabi.

Ako: "Sino ba nagsabi sayong hintayin mo ako?" Umirap na sya sa kawalan.

Dylan: "What the fuck! Bahala ka na nga!" Tumalikod na sya sa akin saka padabog na lumabas ng villa. Masisira yata lahat ng pintuan dito. Rinig na rinig naman ang pagharurot ng kanyang sasakyan. Napakamot na lang ako ng ulo. Tiyak na highblood na naman iyon mamaya.

Lumabas na ako ng kwarto at namangha ako na maraming pagkain na nakahain sa lamesa. Naghanda talaga sya huh. Pagkatapos kumain ay naligo na ako, nag-ayos ng sarili at saka pinublema kung paano ako makakarating sa site. Pagkalabas ng villa nagbakasakali akong may madadatnan pa ako sa villa ng mga kasamahan ko. Pero nagsayang lang ako ng oras nang wala na akong datnan doon.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon