Date: 24, January 2015
Time: 11:40Pm
"1,200 sheep, 1,201 sheep, 1,202 sheep, 1,203 sheep, 1,204 sheep, 1 tsup, 2 tsup, 3- ehhhhhhhhhhhh, Asaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaarrrrr!!"
Napasigaw ako habang nakahiga sa kama at pinipilit na pumikit. Nang may narinig na lang akong katok sa pinto at bigla bigla na lang bumukas. Napaupo kaagad ako ng di oras dahil nakita ko ang ina kong may dalang itak at tila susugod sa laban.
Ako: "MAAA! ANO YANG HAWAK MO? PAPATAYIN MO BA KOOOO??"
Mama: "DIANNE! BAKIT KA BA SUMISIGAW? NASAN ANG MAGNANAKAW??"
Ako: "ANO MAGNANAKAW? WALAAA PO!"
Mama: "AH AKALA KO KUNG ANO NA NANGYARI SAYO! TEKA BAKIT BA TAYO NAGSISIGAWANNN?"
Ako: "Eh kasi po sumigaw kayo? bakit po ba kayo sumugod at may dala pang itak? Hindi po ba kayo maka-move on kay Robin Padilla?"
Mama: "Eh panong di ako mapapasugod dito eh narinig kitang sumigaw? ano bang problema mo? epekto na ba yan ng kulang sa tulog?"
Ako: "Ayos lang ako ma, sige na matulog ka na, may naalala lang ko" Lumapit si mama at naupo sa gilid ng kama
Mama: " Anong problema ba yan? sa studies mo? sawa na ko dun. Sa pagpupuyat ba? sawa na ko dun. Ah! MAY LOVELIFE KA NA NO!!!!" Hala! Pano nyo po nalaman??
Ako: " Ano ma?! ako? Lovelife? Imposible"
Mama: " Alam mo anak, ganyan din ako noon,
Hindi makatulog sa gabi sa kakaisip..
Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip
O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip koooo!
heto nanaman po sya-_________-
Ako: "MA! ano ba? maawa po kayo sa akin, Hindi ako makatulog dahil marami akong plates na iniisip, wala akong mapanigipan kasi di ako natutulog, at higit sa lahat, wala nang laman ang isip koo. ahuhuhu"
Mama: "Anak, kahit hindi mo aminin, ramdam ko yun! eto lang ang mapapayo ko sayo" sumeryoso ang mukha nya.."Matanda ka na at hindi ka na baby para bantayan pa mula sa mga lamok. Marami ka nang napagdaanan na mahihirap na bagay. Madapa kaman, tatayo at tatayo kang muli dahil kailangan mong magpatuloy. Kung may tumulong man sayong isang binata at sinamahan kung saan ka man magtungo, matuto kang alamin kung karapat dapat ba syang isama. Alam mo na ang tama at mali, kung sino man ang dapat pagkatiwalaan o hindi, at kung sino ang dapat makasama hanggang kumulubot na yang mukha mo. Hindi ibig sabihin nito na pinapamigay na kita. Kailangan mong matuto, dahil hindi habang buhay nandito ako sa tabi mo."
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...