Chapter 51- Second chance

1.2K 19 0
                                    

"What if I made a different choice and a different life? I want to stop wondering what if and what is"

Tulala ako sa flat screen na nakasabit sa bus. Tulala sa mga binitawang salita ni John Lloyd Cruz na gumaganap na Popoy sa A Second Chance. Ang malas ko lang at sa bus pa na ito ako nasakay. Wala tuloy akong choice kundi buhayin ang sakit sa puso ko.

What if he made a different choice? What if ako ang pinili nya instead of Anica? Magiging masaya kaya kami tulad noon?

Natapos ang dvd at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa dinaraanan ng bus patungong Cubao. Nakauwi na ako ng Pilipinas na dala dala ang iisang bagahe lamang. Tutal ay wala akong balak magtagal dito. Kailangan ko lang talagang makamusta si Sir Conrad, ang nagsilbing pangalawang ama ko noon.

Ang hindi ko maintindihan sa palabas ay ang what is. Kahit anong pagpapagana sa utak ko ay hindi ko ito makuha. Kahit basang basa ang panyo ko sa kakaiyak kanina ay hindi ko makuha kung ano mang what is iyon.

Buti pa sa mga pilikula, may pag-asang maging sila parin sa huli sa kabila ng napakalabo na nilang relasyon. Doon kasi ay kontrolado ng mga taong nasa likod ng kamera ang mangyayari. Sa totoong buhay, kahit iplano mo man lahat, may pagkakataong mawawala sa landas ang mga nangyayari hanggang sa tuluyan ka nang madiskaril. Masakit iyon. Parang handa ka na para sa isang lakad pero hindi pala matutuloy.

Tulad ng naudlot naming storya. Akala ko ayos na ang lahat. Akala ko kami talaga para sa isa't isa hanggang sa huli. Pero isa lang pala akong ekstra sa buhay nya samantalang sya lang ang nag-iisang bida sa buhay ko.

"Cubao!" Tumayo ako at huminga ng malalim bago humakbang pababa ng bus. Malaki na ang pinagbago ng Pilipinas sa loob ng maikling panahon. Iyon nga lang, mas lumala ang usok na nalalanghap ko.

Sumakay ako ng taxi patungong Makati. Hindi na baleng magbayad ng malaki kaysa naman magdala pa ng polusyon sa ospital.

"Nasaan ka na ba? Diba nasa Pilipinas ka na kahapon pa lang?" Singhal sa akin ni Christy. Dahil sa halip na makarating agad ako doon ay naiipit ako sa traffic.

Ako: "Sorry naman, naiipit ako sa traffic eh" Napapikit ako sa aking binitawang salita. Ng dahil sa pelikula ay dalawa na ang ibig sabihin ng salitang traffic. Buti na lang at wala ako ibang kasama.

Christy: "Hay nako. Ate, wala ka na sa London. May traffic sa Pilipinas!" Napakamot na lang ako ng ulo saka umayos ng upo. Mauubos yata lahat ng ipon ko sa pamasahe ko palang.

Ako: "Oo na. I know"

Christy: "Haist. Kailangan dumating ka before 12 kung ayaw mong makita ulit ang ex mo" Napakagat na lang ako ng labi. Hindi pa ako handang makita sya kahit umaasa ako na nandoon sya

Ako: "Sige na, Makati na oh. I'll be there in five minutes"

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon