Chapter 16- Alexander

2K 33 2
                                    

"Dianne!, Dianne! Dianne 6:30 na!"

Napabangon agad ako nang marinig ko ang oras.. Isa lang ang Ibig Sabihin noon

Malapit nang mabahiran ng late ang pinakamamahal kong record

Ako: "Ma, bakit ngayon mo lang ako ginising?"

Mama: "Anong ngayon lang?, 30 minutes na kaya kitang ginigising. Bilisan mo, kanina ka pa hinihintay ni Dylan."

Humaygulay

Bumangon ako at ginawa ko na kaagad lahat ng pwede kong gawin. Ang pagligo, ang pagbibihis, pagsusuklay at ang pagpupulbos na sya na lang nagagawa ko ng matino sa sarili ko. Hindi ko na nagawa pang magpony dahil sa pagmamadali.

Lumabas ako ng kwarto at dumuretso sa kusina upang kunin ang tinapay na may palamang peanut butter saka nagpaalam kay Ina.

Patakbo kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas ng bahay. Nadatnan kong nakasandal si Dylan sa kotse nya at tila nakakita ng multo ang pagmumukha. Anong problema nito?

Lumapit ako sa kanya pero tulala parin sya sakin.

Ako: "Dylan, huy, halika na malelate na tayo!" pero nakatulala parin sya. May masamang hangin bang nalanghap to?

Kinuha ko ang susi sa kamay nya at binuksan ang kotse, nilagay ko ang gamit ko at tinawag ulit si Dylan na pinapanood lang ang mga ginagawa ko.

Ako: "Ano ba, tanghali na Dylan, tutunganga ka na lang ba dyan? hindi ako marunong magdrive, kailangan kita kaya please tumino ka naman!"

Lumapit pa ako sa kanya at inalog alog sya

Dylan: "D-Dianne, ikaw ba yan?"

Napakunot naman ang noo ko sa tanong nya, bakit mukha ba akong alien?

Lumayo ako sa kanya at tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin ng sasakyan nya. Mukha pa naman akong tao ah

Ako: "Dylan, mukha pa naman akong tao ah, halika na at late na tayo okay"

Pumasok na ako sa loob at sumunod naman sya.

Ako: "Dylan, kung pwedeng lumipad tayo para lang makarating sa schol gawin mo, Pliiithhhh" at ginamit ko pa ang puppy eyes effect na nagmumukha akong ewan.

Mali yata ang ginawa ko at natulala na naman ang mokong. Ano bang problema nito.

Ngumiti sya at ikinabit ang seatbelt ko at ang sa kanya. Hindi pa ako nakakahinga ng matino ay humarurot na ang sasakyan. Napahawak akong mabuti sa pinto at sa seatbelt na tanging magsasalba sa buhay ko.

BROOOOOOOOOOOOOOM..

Ako: "Ah eh Dylaaaaaaan, joke lang yuuuuunnn, gusto ko pang mabuhay!!!" pero busy sya sa pagmamaneho na parang kasali kami sa Need for speed at kailangan tumakas sa mga humahabol saming pulis.

And in just 10 minutes ay narating namin ang school. 7:10 na at late na ko. Inalis ko kaagad at seatbelt ko at nagpaalam kay Dylan

Ako: "Dylan, una na ko, malelate na ko. Salamat ah!"

Bubuksan ko na ang pinto pero hinawakan nya ang kamay ko. Commonnn, wala akong panahon para magkaroon ng romantic achuchuchu sa umagang ito.

Lumingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay

"Ang ganda mo pala kapag nakalugay ka, lalo akong naadik sayo"

DUGUDUG...DUGUDUG...DUGUDUG...DUGUDUG...DUGUDUG...DUGUDUG...DUGUDUG...DUGUDUG...DUGUDUG...DUGUDUG...DUGUDUG...DUGUDUG...

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon