Chapter 43- 18th

1K 20 3
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Dumilat ako at naupo para bumangon na. Napansin ko naman ang isang puting dress na parang attire sa isang beach. Idunoo. Nakasabit sa aparador na malapit lang sa aking kama. Tumayo ako at sinuri itong mabuti. Napakaganda nito at hindi ko alam kung babagay ba ako para sa damit na ito. Itinapat ko ito sa aking katawan at saka tiningnan sa salamin. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan.

Dylan: "Good morning! Maganda ba?" Ibinalik ko sa salamin ang atensyon ko at saka muling tiningnan ang damit sa aking katawan

Ako: "Good morning, oo kaya lang parang hindi bagay sa akin ito. Masyado syang maganda" Tumunganga na lang ako sa salamin. Lumapit sa likod ko si Dylan at yumakap mula sa likod

Dylan: "Maganda yung damit diba, but it will be more beautiful if you wear it" Hinalikan nya ako sa pisngi saka bumitaw sa yakap at tumalikod para makalabas na ng kwarto.

"Let's eat breakfast, may pupuntahan tayo" Saka sya tuluyang lumabas ng kwarto. Ibinalik ko naman ang damit sa pagkakasabit. Saan na naman kami pupunta?

Pagkatapos ng umagahan at tanghalian ay pawang pagtunganga lang sa dagat ang inatupag namin. Paminsan minsan ay nawawala sa mundo si Dylan dahil hindi nya marinig ang mga pinagsasabi ko dahil abala sya sa kanyang telepono. May signal pala sa lugar na ito?

Ako: "Mas gusto mo yatang kausap yang katext mo kaysa sa akin?" Sumibangot na lang ako at pinaglaruan ang tubig sa swimming pool. Nakaupo kami sa gilid nito habang nakalubog ang aming mga paa.

Doon ko lang naalala na kaarawan ko pala ngayon. Hindi ko pa kasi natitingnan ang aking telepono. Hindi ko rin naririning ang bati ni Dylan, siguro ay wala parin syang ideya na sa araw na ito isinilang ang kanyang kasintahan.

Agad nyang ibinaba ang telepono nya na kanina pa nagwawala

Dylan: "Ito naman, katext ko lang si Dad. Nandito na kasi sila" Nanglaki ang aking mata. Oo nga pala, ngayon ang kasal. Bakit ba wala na akong naalala

Ako: "Pupunta ba sila dito? saka anong oras nga pala yung kasal?" Ngumiti sya sa akin saka umakbay.

Dylan: "Mamayang five pa naman iyon. Saka mag-iistay sila Dad kayla lolo" Tumayo sya at inilahad ang kamay sa akin. Kumunot naman ang aking noo

Ako: "Saan tayo pupunta?" Tinanggap ko ang kamay nya at dahan dahang tumayo

Dylan: "Secret, isuot mo na yung dress. See you in an hour" Hindi ko na nagawa bang magreact at sumunod na lang ako sa kanya. Pumasok ako ng kwarto at kinuha ang twalya para maligo. Kung ano mang pinaplano ni Dylan, bahala nya sya doon.

Pagkatapos maligo at isinuot ko na ang damit. Tama si Dylan, mas maganda ito kung isusuot ko ito at hindi ko akalaing babagay sa akin ito. Nakaupo ako sa harap ng lamesang may salamin. Nakatitig sa aking pagmumukha habang sinusuklay ko ang buhok ko. Napalingon ako sa pintuan at isang hindi inaasahan na tao ang nakita ko.

"Miss Dianne, I'm Bryan. Mamake-upan kita ngayon" Nanglaki ang aking mata at napatayo ako

Pinapasok ko sya sa aking kwarto habang gulong gulo parin ang utak ko. Bryan ang pangalan nya pero babae ang kanyang puso. Ewan.

Ako: "Bakit? Bakit kailangan pa akong make-upan?"

Bryan: "Ang sabi kasi ni Sir Dylan mas pagandahin ko kayo para sa kasal" Umakyat naman ang dugo ko sa aking ulo

Ako: "Hindi naman ako ang ikakasal ha" Sa halip na sumagot ay ngumiti lang sya sa akin at pinaupo na ako sa inuupuan ko kanina.

Nagsimula na syang kulayan ang aking mukha. Pagkatapos noon ay inayos naman ang aking buhok. Pagkatapos ng lahat ay napangiti ako sa aking refleksyon

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon