Natapos ang unang araw na pawang pagpapagod lang ang ginawa sa amin. At nakakapagod din palang umiwas sa taong nagpaparamdam sa iyo, mas nakakatakot pa sa multo.
Sa lahat ng activity ay ginawa ko ang lahat para lamang lumayo sa kanya. Kung may pagkakataon na by partners ay kung kani-kaninong kamay na lang ang hinahablot ko para lang hindi sya makasama. Pansin ng mga kasama namin ang aking gawain ngunit alam ko naman na naiintindihan nila kung bakit ganoon ang mga kilos ko. Tapat ako kay Dylan at ayokong gumawa ng kahit anong ikasisira ng tiwala nya sa akin. Ngayon na nga lang nagkakulay ang buhay pag-ibig ko, makukulong pa ang mahal ko kapag napatay nya ang umaaligid sa akin. At alam ko na ramdam din ni Nick na umiiwas ako sa kanya, sorry lalaki, kahit gwapo ka, mas malandi si Dylan.
Tulad ng enerhiya kong malapit nang maubos, ganoon din ang aking pasensya. Magagamit ko yata ang pinabaon ni Dylan na pepper spray kay Nick dahil mas uubod pa pala sa kalandian ito. Nariyang hahawakan ang kamay ko kapag may pagkakataon, hahawakan ang bewang ko sa mga pagkakataon na umaatake ang katangahan ko, babanat ng kung ano anong nakakatayo ng balahibo at kung ano ano pa. Alam kong malandi si Dylan pero yung kay Nick ay nakakaubos ng buhok.
Gabi na ng bumalik kami sa kwarto at hindi ko na ninais pang lumabas. Agad kong tinawagan si Dylan at sa isang ring pa lang ay sinagot na nya
Dylan: "MAHAL KO!"
Nailayo ko ang telepono sa lakas ng bunganga ng lalaking ito
Ako: "Dylan, pwede bang huwag kang sumigaw?"
Dylan: "Sino yung lalaking kumatok at nag-aya sayong maglunch kanina"
Napaupo ako sa kama at napasapo ako sa aking noo
Ako: "Ah, yung kagroup ko. Lunch na kasi kaya tinawag na ako sa kwarto"
Dylan: "Saan nag-aaral?" patay na
Ako: "Sa Aten-"
Dylan: "IYAN BA YUNG SINASABI MONG GWAPO NA NAG-AARAL SA ATENEO NA NASA KATABI LANG NG KWARTO NYO??"
Sa pangalawang pagkakataon ay nailayo ko na naman ang telepono sa aking tenga. Napansin narin ng mga tao sa paligid ang nanggagalaiti kong boyfriend kahit hindi naman ito naka-loud speaker.
Ako: "Dylan! humunahon ka nga! oo, sya iyon. Pero hanggang kaibigan lang iyon!"
Dylan: "Huuu! diyan nagsisimula ang lahat!"
Ako: "Bakit? naging friends ba muna tayo bago naging tayo?" namula ako sa binitawan kong salita. Napalitan naman ng ngisi ang kunot na noo ng mga kasamahan ko
Hindi kaagad sya nakasagot at napalitan ng katahimikan ang linya. Ilang segundo pa ay nagsalita na sya
Dylan: "Okay, I trust you mahal ko, at alam ko naman na mas gwapo ako sa kanya" napangiti ako sa sinabi nya
Ako: "Thank you, ako din, may tiwala ako sayo kahit ubod ng landi mo"
Dylan: "What did you say?"
Ako: "Sabi ko, ubod ng sweet mo" hindi sya sumagot. Nanahimik na naman kami. Hindi ko alam. Nasa Pluto ba sya ngayon at mabagal ang signal
Dylan: "I miss you"
Ako: "Miss na rin kita" okay, too much sweetness for this night
Dylan: "Sige na, mukhang pagod ka na. I'll wake you up tomorrow. I love you"
Ako: "I hate you"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomantizmMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...