Chapter 57- Ex

1.1K 16 4
                                    

"Mahilig ka pala sa mga sasakyan. Cool" Pang isang daan na nyang paksa na binubuksan para lamang manatiling attentive ako sa tanghaliang ito. Tango lang ulit ang naisagot ko sa kanya bago kumain ulit. Gusto ko na talagang takasan ang lugar na ito.


"Hindi mo talaga ako naaalala no" Malungkot nyang bulong sa kawalan. Nakuha naman nya ang atensyon ko.

Ako: "Anong sinabi mo?"

Darius: "Wala. Masarap ba?" Itinuro nya ang ulam na nasa harap namin. Unti unti nang nagdidilim ang paningin ko.

Ako: "Okay naman" Walang gana kong sagot. Pilit pinipigilan alalahanin ang nakaraan.

Darius: "You know what. This is my first time to cook Filipino dishes. Nilaga lang kasi ang alam kong lutuin, the rest is italian. Buti na lang at maraming stock sa fridge"

Tinapos ko na ang pagkain ko saka ako tumayo. Nagulat naman sya sa bilis kong kumain

"Tapos ka na?" Tumango ako sa kanya. Uminom ako ng tubig saka inilapag sa lamesa ang baso

Ako: "Thank you for the lunch. I appreciate it" Saka ako tumalikod at walang ganang pumasok sa kwarto.

Maaaring bastos ang ginawa ko pero kanina pa ako binabastos ng mga pangyayari sa islang ito na pilit ibinabalandra ang nakaraan sa akin.

Nahiga ako sa kama at ipinikit ang mata. De bale na kung kakakain ko palang. Bangungutin man ako ay sawa na ako. Kahit naman gising ako ay bangungot ang nangyayari sa lugar na ito.

Hapon na nang bumangon ako sa kama. Nagsuklay muna ako bago lumabas ng kwarto. Baka magulat sila sa presensya ko. Bumungad sa akin ang isang masayang dinning table. Punong puno ng pagkain habang masayang nagkukwentuhan ang mga lalaki. Muntik ko nang makalimutan na nag-iisang babae lang pala ako dito.

Darius: "Architect! Gising ka na pala. Kumain ka na" Nanahimik ang paligid nang makita nila ako. Sumunod naman ako kay Darius at lumapit sa lamesa. Parang Reyna ang dumating at naging abala sila sa akin. Nandyan nilagyan ng pagkain ang aking plato. Nilagyan ng juice ang baso at kung ano ano pa. Siguro ay para iparamdam na welcome ako sa hapunang iyon.

Pascual: "Ang tahimik naman" Singhal ng isang inhinyero matapos mapansin ang di makabasag pinggan na katahimikan. Nagsitawanan naman sila.

Ako: "Masaya naman kayo kanina. Huwag kayong mahiya sa akin" Walang gana kong paalala. Nagtinginan sila at doon na naging maingay ulit ang lamesa.

Nang matapos ako ay hindi naman ako pinatayo ni Darius. Napalitan ang mga pinggan ng mga nakakalasing na inumin at ilang pagkain. Hindi ngayon ayokong nagluluksa ako habang nagkakasiyahan kayo.

Pinilit kong tumayo at napunta sa akin ang atensyon nila.

Darius: "Matutulog ka na naman? Sumali ka muna samin. Don't tell me you don't drink" Hamon nya sa akin habang nakatayo at napapaligiran ng mga mata.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon